Pagkarating sa St. Dominic hospital ay agad na nilang tinungo ang floor at kung saang ward naka-admit ang mama ni Sam. Kaagad kumatok si Sam sa pinto ng ward ng marating nila ito. Ngunit pagkatapos niyang kumatok ay sakto namang may tumawag kay Gabriel. Nang tingnan niya ito ay ang lola niya ang tumatawag. “Sasagutin ko lang, mauna ka na sa loob susunod ako,” ani nito saka tumalikod at sinugot ang tawag. Sinunod naman ito ni Sam. Pagkatapos kumatok ay pinihit niya ang ang siradura ng pinto, hindi iyon naka-lock kaya nabuksan niya. Pagbukas ay sumilip muna siya. Hindi niya makita ang tao sa loob kaya pumasok na siya ng tuluyan. Nang makapasok ay nadatnan niyang nakahiga sa hospital bed ang mama niya. Si Althea naman ay nakaupo sa sofa na naroon sa silid. “Mabuti naman at naisipan mong dum