Nagising si Sam sa mahimbing niyang pagkakatulog nang makaramdam siya ng gutom. Napatingin siya sa orasan at pasado alas kuwatro na pala ng hapon. Kaya pala gutom na gutom na siya. Napalingon siya sa katabi, nakayakap nang mahigpit sa kanya ang natutulog na si Gabriel. Nakapulupot ang mga braso nito sa kanya na para bang makakawala siya. She smiled. Ang guwapo talaga nito kahit pa tulog. Habang nakatitig sa guwapong mukha ng asawa ay narinig niya ang pagtunog ng tiyan. Gutom na talaga ako. Marahan niyang iniangat ang braso nito sa baywang niya. Ang bigat ng braso nito. At bago pa siya magtagumpay na makawala ay bumagsak itong muli at pumulupot na naman sa baywang niya. Marahan ito gumalaw. Ay nagising ko pa ata siya. Bahagya nitong iminulat ang mga mata nito. “Saan ka pupunta? Dito ka la