Kinabukasan, nagising si Samantha na wala na siyang katabi. Parang ang lungkot tuloy ng gising niya dahil wala na si Gabriel pagkagising niya. Alas sais pa lang pero wala na ito. Samantalang dati ay 7:30 am ito umaalis. Galit ba talaga siya sa akin? Natulog kaming magkatabi at nakayakap siya sa akin pero nagising akong wala na siya at hindi kami sabay mag-aalmusal. Hays! Ano kaya ang puwede kong gawin? Dahil wala na si Gabriel, bumangon si Sam kahit mabigat ang pakiramdam. Maaga siyang maliligo para gumaan ang pakiramdam niya. Pagkatapos maligo at makapagbihis ay bumaba na siya. Dumiretso siya sa dining at nadatnan niyang nagkakape at nag-usap sina Manang Margie at Nanette. “Magandang umaga, Ma’am,” sabay na bati ng dalawa sa kanya. “Magandang umaga rin po,” aniya saka naupo sa bakante