Pagkarating sa mall ay naisipan ni Sam na tumungo sa mens clothing store para tumungin tingin ng puwede niyang ibigay kay Gabriel. Kaagad naman siyang nakakita ng maganda at hindi gaanong mahal na tie kaya binili na niya ito. Matapos mabayaran ay naisipan niyang pumasok sa store ng isang kilalang brand ng womens clothing para tumingin at bumili na rin ng magugustuhan niya para may pandagdag siyang susuutin kapag pumasok na siya sa school. “Welcome to Shien’s Clothing, Ma’am, how may I help you?” bati at tanong sa kanya ng isang staff. Nginitian ito ni Sam saka pumasok sa loob at tumingin-tingin. “Hey! Hindi ba iyan ‘yong stylist na pina-ban mo sa city?” Boses ng isang babae ang nagsalita. Pero hindi lumingon si Sam upang tingnan kung sino iyon. Pumunta na lang siya sa isang sulok para h