“G-Gabriel?” sambit ni Audrey. Matalim lang siya nitong tiningnan saka marahang hinila ang kamay ni Sam mula sa dalawang babaeng humahawak rito. “What’s the meaning of this?” “Shut up! Pinalagpas kita sa ginawang pamamahiya mo sa asawa ko sa party mo but this time, I’m sorry, pinuputol ko na ang anumang ugnayan ng pamilya ko sa pamilya mo,” galit na sabi ni Gabriel. Napaawang ang mga labi ni Sam. Alam pala ni Gabriel ang nangyari sa kanya sa party? “W-What do mean? How did you know?” nagtatakang tanong ni Audrey. “Someone send me a video kung paano mo pinahiya ang asawa ko,” galit pa rin ang tono ng boses ni Gabriel habang sinasabi iyon. Mabuti na lang at may nag-send sa kanya ng video sa nangyari sa party at naka-receive rin siya ng notes ng pangalan ng stylist na naka-ban sa city k