bc

Locked you up

book_age16+
905
FOLLOW
4.9K
READ
alpha
dark
reincarnation/transmigration
fated
shifter
dominant
omega
bxb
campus
soul-swap
like
intro-logo
Blurb

Blurb

"Hindi ko gusto maging Omega! Pero mas lalong hindi ko gusto maging Alpha! Kaya kung bibigyan ako ng isa pang tiyansa mamili sa pagiging Alpha at Omega. Mas pipiliin ko pa maging Omega na walang puwang sa mundong ito kaysa mapabilang sa katulad niyo! "

Sa mga katulad ko na hindi nabibilang sa Alpha 'man o Beta. Impyerno na ang mundong ito dahil sa mata ng lahat kami ang pinakamababang uri. Walang karapatan mabuhay o magsalita.

Impyerno na ang itinuring ko sa mundong ito matapos ako ipatapon ng pamilya ko dahil sa pagiging Omega pero lingid sa kaalaman ko. Ang impiyerno may iba't ibang bahagi pa ito na nakatago at masasabi ko lahat 'yun naranasan ko matapos ako mapunta sa eskwelahan na pinamumugaran ng mga kinaayawan kong nilalang.

Sakit at pagod lahat tiniis ko. Pilit akong bumabangon sa kabila ng binabato nilang salita at pang aabuso.

Lumaban pag nahihirapan, tumakbo pag nasasaktan, magtago pag gusto magpahinga.

Not until dumating ang taong kinakatakutan ko. Taong hindi ko gugustuhin na lumaban pag sinimulan niya ako hawakan, tumakbo pag nasa harapan ko na siya nakatayo at magtago para hindi niya na ako makita.

"You have a chance to run and hide but if i found you. I'll lock you up until you realize that no one of this places you can escape."

"Except the place beside me."

chap-preview
Free preview
01
Chapter 1 Irie Marquess's POV; 13 years ago ng mag simula ang kalbaryo ko sa mundo. Nalaman ko na isa akong Omega ang pinakamababang uri ng nilalang sa mundo. Ang pamilyang huling naisip ko na tatalikuran ako sila pa pala ang hihila para makarating ako sa pinakagitna ng impyerno. 2 years ago pinalayas nila ako. Matapos ko hindi makontrol ang first heat ko na nagbigay ng kahihiyan sa buong pamilya ko. Hawak ang bulaklak na napulot ko sa field natatawa ako na umupo sa tabi ng puno at sumandal. Sa sitwasyon ko ngayon bilang Omega hindi ko magagawa na protektahan ang sarili ko. Mahina ako pero hindi ibig sabihin 'nun isa na ako sa mga Omega na hihilingin maging isang Alpha or Beta. Pinaglaruan ko ang bulaklak sa kamay ko bago inangat ang tingin ng may maramdaman akong malamig sa ulo ko pababa sa leeg ko ng may bumuhos sa akin na juice. Kasunod ng tawanan ang pagtabig nila sa hawak ko na bulaklak. "Ito ba 'yung matapang na omega? Minaliit tayong mga Alpha. " "Gosh siya iyon. " "Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo. " Hindi ako nagpakita ng takot matapos hablutin ng isa sa mga lalaki ang kwelyo ko at ilapit ang mukha sa akin. "Sino ka para maliitin kaming mga Alpha ha? Wala ka naman ibang kayang gawin kung hindi lumuhod at tumuwad. " Naiyukom ko ang kamao ng marinig ko ang sinabi niya. Mas doble ang laki niya sa akin at kumpara sa laki ng katawan nito walang wala ako pero---. "Fuck! " "Jonas! " Napaluhod ang lalaking may hawak sa akin ng sipain ko ang iniingatan niya. "Ibahin mo ako dahil kaya kong sirain ang kinabukasan mo. " walang emosyon na sambit ko. "Putangina ka! " sigaw ng isa sa mga ito na kinatigil ko matapos ako makaamoy ng malakas na pheromones. Kaya kong pigilan ang sarili ko sa ganitong kalagayan pero hindi sa tatlong alpha. Hindi maganda ito nasusuka ako at bumabaliktad talaga ang sikmura ko. Nang mapaluhod ako magkasunod na suntok at sipa ang naranasan ko hanggang sa masatisfy sila. Good thing nararamdaman ko ang sakit kaya hindi ko nagawang sumuka dahil sa pheromones at mawalan ng malay. Nang makaalis ang mga lalaki nanlalabo ang paningin na tiningnan ko ang paligid. As usual ang dami na naman na tao pero ni isa sa kanila walang nagtangka na tulungan ako. Kahit ang mga teacher at school staffs. Ano pa ba ang inie-expect ko? Kung hindi ba ako nakapag bitaw ng ganu'n na salita may magbabago ba? 'Magkakaroon ba ako ng kaibigan kahit isa? ' Matapos ko ipikit ang sarili ko isa-isang pumasok ang mga ala-ala na naging dahilan kung bakit naging number 1 student's enemy ako. Flashback Napahiyaw ako sa lamig nang pagbukas ko ng pinto may nagbuhos sa akin ng tubig na may laman na mga yelo. Nagtawanan ang mga kaklase ko matapos ako makita na parang basang sisiw. Araw-araw na lang simula ng mai- announce na Omega ako ganito na lang ang palagi nilang ginagawa. May mga omega din ako na kaklase pero lahat sila marked kaya alam ko na hindi nila itong gagawin kung may sarili lang din akong Alpha. Naiyukom ko ang kamay ko sa katotohanan na imposible iyon mangyari kung iba ang epekto sa akin ng pheromones ng Alpha at Beta. Hindi ko na lang pinansin ang mga kaklase ko matapos ko makarating sa assigned sit sa akin na nasa pinakadulo. Dahil wala naman akong ibang uniform tiniis ko na lang ang lamig. Good thing naisipan ko na ibalot sa plastic ang mga gamit ko. 2minutes na lang magsisimula na ang klase. Nakayuko lang ako habang palihim na nagdadasal na sana pumasok na ang first subject namin bago makaisip ng bagong ka demonyohan ang mga kaklase ko. "Guys! May meeting daw sina prof! Wala tayong first subject. " sigaw ng class president namin na kinawala ng kulay ng mukha ko. Nagkagulo ang mga kaklase ko dahil sa saya at kasama na du'n ang pagbato nila ng gamit ko sa sahig at pagpunit ng libro na nasa lamesa ko. Sa loob lang ng limang minuto daig ko pa ang pulubi sa kalsada ng itapon nila sa akin ang mga basura na galing sa labas. Napahawak ako sa tenga ng marinig ko na naman ang tawanan nila na araw-araw ko naririnig kasabay ng sigaw nina mommy at daddy. "Alam mo ba kung nakakapag labas ka lang nga pheromones katulad ng ibang omega dito. Hindi ito mangyayari sa iyo pero hindi eh. Wala kang silbi, hindi ako makaniwala na nag e-exist ang katulad mo." Napaingit ako ng may humila ng buhok ko at inangat matapos marinig ang mga salitang iyon parang nagpantig ang tenga ko. "Mababang uri na ng nilalang ang Omega pero hindi ko ineexpect may Omega na katulad mo. Bukod sa hindi kana maganda hindi mo pa kaya maglabas ng pheromones. Ano na lang silbi mo sa mundong ito diba?" Parang nagpantig ang tenga ko sa mga sinabi niya. 'Omega? Mababang uri? ' "Hindi ko gusto maging Omega! Pero mas lalong hindi ko gusto maging Alpha! Kaya kung bibigyan ako ng isa pang tiyansa mamili sa pagiging Alpha at Omega. Mas pipiliin ko pa maging Omega na walang puwang sa mundong ito kaysa mapabilang sa katulad niyo! " galit na sigaw ko. Napahawak ako sa leeg at natumba mula sa kinauupuan kong upuan ng mapatayo ang mga kaklase ko matapos ko bitawan ang 'ganun na salita. Kasunod ng pagtunog ng alarm ang pagtakbuhan ng mga kaklase kong omega sa labas. Hindi na ito maganda hindi ako makahinga. End of the flashback Pagmulat ko ulit ng mata nanghihina na napabangon ako mula sa pagkakahiga ko sa field nang makita na pagabi na. Nang makakita ako na galos sa likod ng palad ko dinilaan ko iyon bago binaba at tumingin sa napakalawak na field. Isang taon na din ang lumipas matapos ng sunod-sunod nila na pananakit at pambubully nila sa akin nasanay ma din ako. Hindi ko na iniinda ang sakit at hindi ko na din magawang umiyak. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula pero habang tumatagal mas lalong lumalala ang lamig at pagbagsak ng temperatura ko kahit sobrang init. Nang medyo ayos na ang pakiramdam ko kinuha ko ang scarf na nasa gilid ko at pinulupot sa leeg ko. Balewala na tumayo at naglakad palayo matapos kuhanin ang mga gamit ko na mukhang kinalat ng mga ka schoolmate ko sa field. Hinawakan ko ng mahigpit ang hawak kong bag habang nakayuko. Pilit na sinara ang mga tenga ko sa mga kanya-kanyang bulungan ng mga estudyante na dinadaanan ko. 'Gusto ko na magpahinga. Pagod na ako, ' -- Nang makarating ako sa dorm na nasa loob ng University walang ingay na binuksan ko iyon. Hindi na ako nagulat ng may gwapong lalaki ang nakaupo sa sofa at pretenteng nanood ng t.v Naka lab uniform pa ito at mukhang kagagaling lang din nito sa clinic. "Kailan kaya kita makikitang walang kahit na anong galos. " komento ni Harris Logan ang private doctor ko. "Para mo na din tinanong sa akin kung kailan puputi ang uwak. " pabalya na sagot ko bago binaba ang mga gamit ko. "Dunaan ka na naman ba sa likod ng University. " "Niloloko mo ba ako? Ikaw na nagsabi na hindi ako pwede dumaan sa front gate, saan pa ba ako dadaan?" asar na sagot ni Harris bago tumayo at lumapit sa bag niya na nasa kabilang sofa. "Kamusta naman ang nararamdaman mo? " tanong ni Harris nang makaupo ako sa sofa. "Habang tumatagal nawawalan na ako ng pakiramdam dahil sa lamig. Hindi ko alam kung maganda ba iyon o hindi since araw-araw ako binubugbog ng mga kaklase ko. " "Alam mo naman na pag nagpatuloy ang pagbaba ng temperatura mo, walang magandang mangyayari diba? " "Wala naman bago diba? Kung hindi ako mamatay sa lamig. Mamatay ako dahil sa mga kaklase ko. " biro ko na kinagusot ng mukha ni Harris. "Irie, hindi na ako nakikipagbiruan. Hindi maganda ang lagay mo. Hindi ko na din alam kung ano pa ang ipapainom ko sayo at mukha ka din hindi kumakain ng maayos, nakikita mo ba ang tyura mo ngayon? " "Anong gagawin ko Harris? Iba epekto sa akin ng pheromones." "Hindi din maganda ang lagay ko sa eskwelahan. Pakiramdam ko pati ang mundo sinusuka na ako. " "Irie, wag mo sabihin 'yan. " Hindi ako nagsalita at ngumiti na lang. Matapos ang ilang check up umalis na din si Harris para makapagpahinga ako. Kinagabihan matapos ko kumain ng cup noodles, naglakad na ako pabalik sa kama ko at bumalot sa patung-patong na kumot para matulog. Kahit anong balot ko sa kumot, kahit konti hindi ako makaramdam ng init. 'Kung may lugar lang ako na mapupuntahan kahit saan. Malayo sa lugar na ito, malayo sa lamig na nararamdaman ko. Kahit gaano pa kalayo at kadilim pupuntahan ko. 3rd Person's POV; 'Totoo ba ang balita babalik na ang Jeya? ' 'Girl! Totoo babalik na sila. Darating sila ngayong araw. ' 'Kyaah! May balita na ba na mated na sila?' 'Gosh, kung may mate na talaga ang Jeya sigurado na madaming iiyak. ' 'Wag kayong ganyan magiging bangungot 'yun sa mga Omega na nandito at umaasa na isa sa maging ka mated nila ang Jeya.' 'Duhh imposible naman na wala pang Omega ang Jeya, gosh nag isang taon din sila sa entertainment industry. ' Hindi naging dahilan para maging masaya si Irie na nakarating siya bukana ng building niya ng walang galos dahil sa sobrang lamig na nararamdaman niya. Nakasuot na siya ng jacket at scarf pero kahit konti hindi ito makaramdam ng init. Pinagtatawanan siya ng mga ka schoolmate na nadadaanan pero kahit iyon hindi na niya nagawang pagkaabalahan na alalahanin dahil sa lamig na nararamdaman. 'Kyaah ang Jeya! ' 'Gosh ang gwapo! ' Tilian ng mga estudyante na nasa front gate matapos bumaba sa kotse ang tatlo na nag gagwapuhan na lalaki. "Matagal na din ng huli tayong nakarating dito." "Boring, kailangan na naman natin umattend ng klase. " bored na sambit ng isa sa mga lalaki bago binaba ang suot na headset. "Ang daming tao. " bulong ng napakagandang lalaki na bumaba sa pulang kotse matapos ito pagbuksan ng isa sa mga binata na lumabas. 'Omega. ' 'Pre, ang ganda.' 'Gago, omega na ni Delxeno 'yan. ' "Sabi sayo manatili kana lang sa unit. " ani ng binata matapos halikan sa kamay ang lalaki na sa unang tingin mapagkakamalan mong babae dahil sa taglay nitong ganda na kaiinggitan ng mapa Alpha 'man o Omega. "Duhh, para tumakas ka na naman dito. Gusto mo ba lagi na papagalitan ni tito. " "Oy tama na 'yan baka mag away na naman kayong dalawa. Hangga't maari iwasan niyo mag away in public forpete'sake hindi maganda na nagkakalat kayo ng pheromones sa paligid. " saway ni Eros matapos mahinsng hinampas ang hood ng kotse na pagmamay ari ni Agasse Delxeno. "Nasaan si Janus? " tanong ng lalaki na unang bumaba sa kotse matapos tumingin sa pinakalikuran kung nasaan ang itim na kotse. "Baka nahihiya. " biro ng binata na nag ngangalan na Eros Vesta. "Hindi iyon posible dahil ikaw lang naman ang walang hiya sa ating apat. " banat ni Yamir Galves na nakasandal sa pintuan ng kotse. "May sinasabi ka four eye? " "Tumahimik na nga kayong dalawa. Puntahan mo na nga si Janus malapit na magsimula ang first class. " utos ni Agasse Delxeno habang nakapulupot ang braso sa kasintahan nito na si Ayen Venezio. "Janus! Labas na malapit na magsimula ang first class. " ani ni Eros habang hinahampas ang hood ng kotse. Lumipas ang ilang minuto bumukas ang pinto. Natahimik ang lahat ng may lalaking lumabas sa kotse. Napakagwapo nito na kahit ang mga lalaking alpha hindi maiwasan humanga nang makita ang perpektong anyo ng binata. "Kung balak mo sirain ang kotse ko siguraduhin mo na kaya mo 'yan bayaran ng buhay mo. " "Putangina, easy ka lang. " ani ni Eros matapos itaas ang kamay nang makita ang pagbabago ng anyo ng binata. "Gosh! Hindi ko talaga gusto ang amoy ng pheromones ni Janus. " reklamo ni Ayen matapos sumiksik sa kasintahan. "Janus, nasa University na tayo. Please, control your fucking self kung hindi pare-pareho tayong mapapatay ni tito. " asik ni Agasse dahil iba din ang epekto ng scent ni Janus sa katulad nilang mga alpha. Hindi umimik si Janus at naunang naglakad paalis. "Gosh, kailangan na natin mahanap ang perfect mate para kay Janus. Nakakaloka ang pheromones niya. " ani ni Ayen habang ginugusot ang ilong. "Hindi ba talaga maganda ang epekto sayo ng pheromones ni Janus. Namumutla ka. " kunot noo ni Agasse matapos hawakan ang pisngi ng kasintahan. "Duhh, ganu'n talaga pag dominant ang omega. Pero sa pheromones ni Janus maari siya makapatay ng dominant na omega pag hindi siya mag ingat." "Imposible naman mangyari iyon Ayen kasi mukhang ikaw lang naman ang nag iisang dominant sa mundong ito. " "Duhh, who knows. Special ang case ko pero hindi ibig sabihin 'nun ako na lang ang natitira. " "Teka nawala si Janus. " ani ni Yamir habang nakapamulsahan na tumingin sa paligid. "Baka nauna na sa office."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
618.4K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
453.8K
bc

NINONG III

read
363.0K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.2K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

The Sex Web

read
131.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook