02

2472 Words
Chapter 2 3rd Person's POV; Hindi magawang pakalmahin ni Janus ang sarili dahil sa pagka irita na nararamdaman dahil sa mga taong kasalukuyan siyang tinititigan. 'Iyan ba si Janus. ' 'Dre, bumalik na talaga sila. ' 'Gosh, mas gwapo siya sa personal.' Kasalukuyan naglalakad ang binata patungo sa kabilang bahagi ng building nang may mahagip ang mga mata ni Janus. "Pre, naligaw ka ba?" tanong ni Eros matapos makita ang binata at tiningnan ang lugar kung saan nakatingin si Janus. "Tss gago ka ba? Walang pinagbago ang university. Sa tingin ko maliligaw ako?" banat ni Janus bago pinagpatuloy ang paglalakad habang hawak ang gilid ng labi. "Hindi mo ba talaga mapipigilan ang pheromones mo Janus? " tanong ni Ayen. "Paano niya mapipigilan? Ni ayaw niya din gumamit ng omega." "Oh uh, tapos bumalik kayo ng University. " Irie Marquess's POV; Nang matapos ang klase ko para sa tanghali na iyon. Mabilis ko kinuha ang mga gamit ko at tumakbo palabas ng classroom para maiwasan ang pagbubully ng mga classmate ko. Napagpasyahan ko pumunta ng locker room para uminom ng gamot at maibsan kahit papaano ang lamig ng katawan ko. Pag hindi ako nagkaroon ng heat ngayon na buwan sigurado na mamatay ako sa lamig. Hindi regular ang heat ko kaya bumabagsak ng todo ang temperatura ko. Isama mo pa na walang epekto sa aking ang pheromones ng Alphas maliban sa pagbaliktad ng sikmura at hilo kaya imposible talaga ako makaramdam ngayon ng init. Pagpasok ko ng locker room naglakad na ako palapit sa locker. Dinedma ko ang tingin ng mga ka schoolmate ko na nasa loob. 'I just wondering kung ano na naman nilagay nila sa locker ko.' Pagbukas ko ng locker hindi na ako nagulat matapos ako makakita ng patay na ibon sa locker at mga nabubulok na basura. Nang makita ko ang mga nasa loob sinara ko na iyon at hindi na inabalang kuhanin pa ang gamot ko. Kung anduon pa 'yun dahil sa wala talaga ako sa mood at hindi na maganda ang pakiramdam ko. 'Oy Irie, hindi mo ba nagustuhan ang regalo namin sa iyo? ' Hindi ko sila pinansin nang magtawanan ang mga ito matapos ko makalabas ng locker. Impyerno ang eskwelahan na ito at lahat ng nandito mga demonyo. Kahit mga katulad ko na omega pinagtatawanan ako. Anong klaseng mundo ito. Nang makarating ako sa hagdan pababa na sana ako nang makarinig ako ng bagsakan galing sa bakante na classroom. Aalis na sana ako dahil ang ganu'n na eksena ay natural lang lalo na sa ganitong eskwelahan. "Tulong! " Napatigil ako sa paghakbang ng marinig ko iyon. Nabitawan ko ang hawak kong bag hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa loob na ng silid at tinititigan ng apat na hayok na alpha. "Putangina niyong lahat! Mated na ang Omega na iyan! " sigaw ko. Hindi ko maiwasan na mag init ang ulo matapos ko maamoy ang pheromones ng omega na pinagigitnaan ng apat na alpha. Napatakip ako ng ilong matapos ko maamoy ang pheromones nila na bahagyang nagpahilo sa akin. Pero hindi ako papayag na bastusin nila ang omega na nasa harap ko. Para magising at magawa kong makatayo ng maayos kinagat ko ang wrist ko. "Ikaw na naman? Wala ka talagang kadala-dala. " Iniyukom ko ang kamao ko baho kinuha ang tubo na nasa gilid ko. "Wala akong pakialam kung mas malaki at malakas kayo sa akin pero hindi ako papayag na bumastos kayo ng isang omega sa harap ko. " "Patumbahin niyo na 'yan hanggang salita lang naman iya--- arghh!! " Mabilis kong hinampas ang lalaki na nagtangka na lumapit sa akin matapos mawala ang atensyon nito ng sipain ng lalaking omega ang isa sa mga kasamahan niya. Nang makabangon ang lalaking omega napatigil ako ng mapaluhod ang mga lalaking alpha. "Shit!" mura ko bago hinablot ang lalaking omega at itinakbo palabas ng makita ang unti-unting pagkulay pula ng pheromones ng apat na alpha na delikado para sa aming mga omega. Kinuha ko ang bag ko na nasa sahig bago pinagpatuloy ang paghila sa lalaking omega pababa ng hagdan. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa makarating kami sa likod na bahagi ng field kung saan wala masyadong estudyante. "Gosh! Muntikan na tayo 'dun. " ani ng lalaking omega habang pareho namin hinahabol ang hininga. May ilang estudyante na nakatingin sa amin pero sa hindi ko alam na dahilan hindi sila nagtangka na lumapit sa amin. "Ang sasama talaga nila kahit mated na omega, papatusin nila. " asar na sambit ko bago tiningnan ang omega na nasa harap ko na ngayon ay nakangiti na nakatingin sa akin. Napakurap ako ng ilang minuto bago napasapo sa noo matapos ko marealize na alam ko na ang dahilan kung bakit ito napagdiskitahan. 'Sobrang ganda nito para sa isang omega. ' "Salamat pala sa pagligtas sa akin kanina. " ani ng omega na kinabuga ko ng hangjn bago inalis ang scarf na suot ko. Kakayanin ko pa naman siguro ang lamig hanggang sa makabalik ako sa dorm ko. Lumapit ako sa lalaki na omega bago pinulupot iyon sa balikat niya matapos mapansin na sira ang suot nitong damit. "Hindi ikaw 'yung tipong palalampasin ng mga halimaw dito kaya mas mabuti na hindi ka umaalis sa tabi ng alpha mo. " ani ko bago inayos ang bag ko at naglakad paalis. "Teka anong pangalan mo!" sigaw ng lalaking omega pero hindi ko na siya pinansin matapos ko makalayo. Mukhang transferee lang siya dito kaya hindi ako kilala, wala din naman ako balak magpakilala dahil alam ko one of this days magiging isa din siya sa mga estudyante na gusto lang saktan ako. 3rd person's POV; "Darn, Ayen! Diba sabi ko sayo wag kang aalis sa tabi ko! " Bulyaw ni Agasse sa kasintahan nang makarating sila sa private room para sa Jeya. Napaubo si Ayen habang yakap ang katawan nang maramdaman ang pheromones ng kasintahan. "Putangina, pumasok kayo ng kwarto wag kayong mandamay dito! " reklamo ni Eros habang hawak ang ilong na sinegundahan ni Yamir na ginugusot ang sariling ilong. Maliban sa dalawa hindi naman nagbigay ng komento si Janus na balewala lang nakaupo sa pang isahang sofa at nakatingin sa scarf na nasa balikat ni Ayen na hila-hila na ni Agasse papunta sa kabilang kwarto. -- 'Totoo ba? Hila-hila ng abnormal na iyan ang mate ni Agasse? ' 'Girl totoo, hinawakan niya si Ayen. ' 'Hihi hindi na ako magtataka kung siya naman ang kasunod na itatali ng Jeya sa flagpole habang nakahubad. ' Hindi nagsalita si Irie ng marinig ang mga bulungan kinabukasan dahil wala siyang idea sa mga sinasabi ng mga ito maliban sa may hinila nga siya na lalaki. "Ayen? " bulong ni Irie na kinailing ng binata bago binilisan ang paglalakad para makarating sa sariling building para sa next class. "Oy Irie. " Napatigil ang binata sa paglalakad ng harangan siya ng grupo ni Jonas. Isa sa grupo ng mga Beta nambubully sa kanya. "Anong kailangan 'niyo? " walang buhay na sambit ni Irie na kinatawan ng mga lalaki. "Bored kami ngayon. " sagot ng nag iisang alpha sa grupo. Hindi nagsalita si Irie at tinanggal ang suot nitong scarf. "Bilisan niyo na baka malate pa ako." Tila nainsulto ang anim na lalaki sa ginawa ng lalaking omega kaya sinugod nila ito at binugbog. Hindi dumating si Irie o kahit nanlaban dahil wala na siyang lakas para makipagtalo pa sa mga ito o lumaban. Nang masatisfy ang mga ito galit ang mga ito na umalis dahil sa naiwan na pheromones bahagyang hindi nakagalaw ang lalaki mula sa pagkakahiga. 'Pacool ang tangina. ' 'Talunan naman. ' Dahan-dahan bumangon ang lalaki at kinuha ang bag kasama ang scarf. Habang naglalakad pinagpagan nito ang sarili at hindi pinansin ang mga galos na nakuha. Pumasok ito sa classroom at umupo sa upuan na punong-puno ng mga basura dahil sa mga kaklase. Matapos ibaba ang bag isa-isa nitong pinulot ang mga papel at nilagay sa plastic na nasa ilalim ng table niya para itapon sa basurahan dahil sigurado na siya ang pagagalitan ng teacher nila kahit hindi siya ang nagkalat. Matapos niya maglinis ng pwesto napatingin si Irie sa white board matapos marinig na nagtatawanan ang mga kaklase at lahat nakatingin duon. Porn video na inedit nila at pinalitan ng mukha ni Irie. Yu'ng iba umarte pa na parang nasusuka habang nakatingin sa video. Naiyukom ni Irie ang kamao pero mas pinili nito manahimik at hindi pinansin ang mga ginagawa ng mga kaklase dahil sanay na siya sa mga ito. Sawa na siya magmakaawa at umiyak na tumigil na sa pambubully. -- "Ano? " "Babe sige na please, gusto ko makita ang mag ari ng scarf. " "Ayen saan naman natin hahanapin ang lalaking 'yan?" puno ng pag kadisgusto na tanong ni Agasse. "Nasa loob lang siya ng University alam ko at nasa bulding ng Nursing department. " "Ayen hindi ko nagugustuhan ang affection na nakikita ko sayo para sa omega na iyon. " "Wag ka nga issue Agasse, forpete'sake bonded na tayo at isang omega ang pinagseselosan mo." nakasimangot na sambit ni Ayen habang nakayakap sa kasintahan. "Ang cool kaya ng omega na 'yun at gusto ko siya makilala. Babe gusto ko siya maging friend. " "Tiyaka alam ko magugustuhan niya siya kasi hindi siya katulad ng mga omeg---. " "Wala akong balak makipag kaibigan sa mababang uri ng omega. " putol ni Yamir na kinaismid ni Ayen. "Eh di wag! Kung ayaw niyo sumama ako ang pupunta. " "Wag nga kayong ganyan. Niligtas ng lalaking iyon si Ayen hindi ba dapat magpasalamat kayo lalo kana Agasse. " sabat ni Eros na may hawak na may subo na lollipop. "Hindi ka ba umiinom ng suppressant mo Ayen. " sita ni Janus matapos lumabas ng bathroom at lumapit sa mini ref. "Aanhin ko ang suprressant? Duhh nasa tabi ko si Agasse at hindi ko kailangan 'yun. " "Fuck! Kaninong pheromones ang naamoy ko. " mura ni Janus matapos lumaklak ng malamig na tubig galing sa ref. "Pheromones?" ulit ni Yamir bago tingnan si Agasse na nagkibit balikat. "Ako ang mate ni Ayen at sigurado ako na hindi gaanong malakas ang pheromones ni Ayen. " "Teka nga. " ani ni Eros bago tumayo at nilapit ang mukha kay Ayen naging dahilan para itulak siya ni Agasse palayo. "Sakit, puta. " mura ni Eros matapos siya mapaupo sa sofa nang tabigin siya ni Agasse dahil sa paglapit ng binata sa kasintahan. Napahilot na lang si Yamir sa sentido dahil sa katangan ng kaibigan. "Isa pang lapit mo kay Ayen lalabas ka dito ng kalahati ang ulo. " asik ni Agasse habang yakap si Ayen na hindi nagulat sa attitude ng alpha. Sa side ng bonded na alpha at omega instinct na ng dalawang magkamate ang pagiging agresibo once na may alpha, beta or omega ang nagtatangka na lumapit sa ka mated na nito na nilalang. "Wala talaga akong naamoy. " ani ni Agasse bago nilapit ang ilong sa ulo ng kasintahan. "Baka 'yung naiwang scent sa scarf." ani ni Ayen bago nilabas ang scarf sa paper bag. "Janus!" sigaw ni Eros matapos bumagsak ni Janus sa sahig. Mabilis na tumakbo si Ayen palabas ng kwarto matapos maamoy ang malakas na pheromones ni Janus na nakapagbaliktad ng sikmura niya. Agad pinainom ni Yamir si Janus ng rut suppressant matapos bahagya mawala sa sarili si Janus matapos mawala ito sa control. Nasa labas lang si Agasse at Ayen habang tinitingnan ang scarf. "Ayos lang ba si Janus? " tanong ni Agasse matapos lumabas ni Eros sa private room. "I think nahanap na natin ang perfect mated ni Janus. " humahagikhik na sambit ni Ayen na ilang pulgada ang layo kay Eros dahil sa pheromones ni Janus na kumapit sa binata. "Anong mated? Wala naman kami naamoy bukod sa pheromones mo," "Hindi niyo talaga maamoy kung hindi niyo ka mated yung omega lalo na kung scent ng blood ang usapan. " "May blood ito ng lalaking omega na nag save sa akin, kaya sigurado ako na kaya nawala sa control si Janus dahil sa blood na nasa scarf. " "Ibig sabihin ka mate ni Janus ang may ari ng scarf? " sabat ni Yamir na lumabas na din ng kwarto. "100% na ka mate ni Janus. " sagot ni Agasse. "Paano naman kayo nakakasigurado na hindi 'yun basta rut attack lang or false alarm? " Kinuha ni Agasse ang scarf at binato kay Yamir. "Wala naman amoy maliban sa pheromones ni Ayen. " gusot ang mukha na sambit ni Yamir bago binato pabalik kay Agasse. "Hindi niyo pa kasi nahahanap ang perfect mate niyo kaya wala kayong alam. " ani ni Ayen bago umirap sa kawalan matapos mag cross arm. "Sa mundo natin 3% chance lang na mahanap natin ang perfect mate para sa atin at nagkataon na nasa iisang lugar si Janus at at mate niya. 'Yun ang tinatawag na destiny. " kinikilig na sambit ni Ayen na kinapokerface ni Eros. "Look Ayen, ang tinutukoy ko dito 'yung pheromones na naamoy ni Janus. " basag ni Eros. "Ang pheromones naamoy natin pag ilang distansya lang ang layo natin sa nilalang na iyon diba?" "Sa normal na pheromones na nilalabas ng katawan natin. Posible 'yun makita, maamoy or maramdaman ng mga taong nasa paligid natin." "Iba naman sa blood pheromones, hindi iyon naamoy ng ibang tao except sa perfect mate mo." dagdag ni Ayen sa sinasabi ni Agasse. "Sa generation natin ngayon ilang percent lang ang chance na makita mo ang perfect mate mo ng wala ka pang sariling omega specially pag dominant ka. Kung ako ang dominant alpha tapos bonded na ako then nakita ko ang perfect mate ko. Sigurado na mas pipiliin ko pa magsuicide kaysa maipit sa ganu'n na sitwasyon. " tatawa-tawa na sambit ni Ayen. "Ano naman ibig mong sabihin du'n? " nagtataka na tanong ni Yamir. "Kung ang pheromones ng dominant alpha nagbibigay ng heat sa omega na normal lang naman. Iba pag kamate mo na ang usapan. " "Dalawa ang maaring mangyari sa amin once na naglabas ng pheromones ang ka mate namin. Same effect katulad ng sa omega for sexual needs or mapatay pag nagsimula silang maglabas ng negative pheromones specially kung alpha ang ka mate namin. " "Putangina seryoso? Bakit wala yata akong napag aralan ng ganyan? " "Hindi niyo nga alam na nag eexist din ang mga dominant na omega diba? " "Maraming tinatago ang triad kung alam niyo lang. " natatawa na sambit ni Ayen habang naiiling nakinuha ang scarf. "Pag nahanap mo ang perfect mate para sa inyo wag niyo hahayaan masugatan ang omega dahil once na mangyari iyon at nasa tabi kayo. Maari kayong mawala sa sarili lalo na pag hindi pa kayo totally na bonded. " "Either makapaglabas kayo ng sobrang pheromones or makapatay kayo. " "Triple ang epekto 'nun sa rut state ng isang alpha."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD