Chapter 05 3rd Person's POV "Kung ikaw si snowman tapos iyong mate mo parang iyong prinsesa. Lalapit ka pa din ba sa prinsesa kung alam mong mawawala ka din pagdating ng spring?" nakataas ang kilay na tanong ni Hagen kay Aominee. "Yes, kahit pagiging makasarili iyon sa side namin ng snowman," sagot ni Aominee bago sinalubong muli ng tingin ang binata. "Kahit panandalian lang iyon nagawa ko naman na pasayahin ang prinsesa sa paraan na alam ko at sobra pa sa regalo niya na buhay ang kapalit ng kasiyahan na iyon. Hindi niya nakalimutan si snowman kahit ilang dekada na ang lumipas," dagdag ni Aominee na kinagusot ng mukha ni Hagen. "So? Mananatili ka pa din sa tabi ng prinsesa kahit may chance ka pang mabuhay kung iiwan no siya at maglalakbay ka para humanap ng mas malamig na lugar.