Chapter 30 3rd Person's POV Kinaumagahan nagising si Hagen na nasa mga bisig ng alpha. Tiningala niya ang lalaki na mahimbing pa din ang tulog. "Aominee, nagugutom ako," bulong ng lalaki bago mas yumakap sa alpha. Nagising naman ang alpha dahil sa boses ng lalaki. Natawa ito sa idea na akala niya panaginip lang iyon lalo na at narinig niyang ang unang sinabi ng kasintahan ay nagugutom na siya. "Anong gusto mong kainin?" tanong ni Aominee bago bumangon at kinusot ang mga mata. "Hmm, gusto ko ng raw meat at chicken," paos na sagot ni Hagen na kinatingin ni Aominee. "Hilaw na karne ba tinutukoy mo?" ulit ng alpha. Sumimangot si Hagen at humilig sa unan. "Iyon ang gusto kong kainin," ani ng binata na may pagpapaawa sa expression. Ayaw kasi ni Aominee nakikita siyang kumakain ng