Chapter 42 3rd Person's POV "So? Tama nga ang narinig ko kina tito Eros. Hindi ka na nakalabas ng kwarto mo," ani ni Mortell na nakapamulsahan habang nakatayo sa paanan ng kama ni Aominee. Kumunot ang noo ni Aominee at tiningnan ng masama si Mortell. "Ikaw iyong kumagat sa akin sa gubat diba? Bakit mo ako kinagat?" asik ni Aominee. Hindi nagbago ng expression si Mortell lalo na at may idea siya kung sino ang tinutukoy nito. Narinig niya sa tito Eros niya na ang alam ni Aominee si Mortell ang nakita niya sa gubat dahil pareho sila ng mata ni Hagen. Sasabat si Tyrell nang tingnan siya ni Mortell at parang sinasabi na huwag magsasalita. Hindi pwede malaman ng iba pa ang tungkol sa kapatid nila. "Effective naman diba? Nagising ka at hindi ka namatay," ani ni Mortell na kinaismid