Chapter 26 3rd Person's POV "Confirmed, buntis ka nga," ani ni Hakken. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa si Hagen matapos marinig iyon. "Seryoso! Hagen narinig mo magkaka-baby na tay— Hagen," ani ni Aominee matapos makita na biglang nawalan ng kulay ang mukha ni Hagen. Tumabi sa kaniya ang alpha matapos makita ang panginginig ni Hagen. "A-Aominee, h-hindi mo naiintindhan. S-Snake shifter ako," bulong ni Hagen. Kumunot ang noo ni Aominee matapos marinig iyon. "Hagen, hindi ko maintindihan. Ano kung snake shifter ka?" tanong ni Aominee na kinatayo ni Hagen. "Aominee! Paano kung maging snake shifter din ang magiging anak natin," asik ni Hagen bago hinawakan ang sinapupunan niya. "Isa itong pagkakamali. Hindi dapat tayo magka-baby— hindi dapat maisalang ang baby na ito dahil