Chapter 47 3rd Person's POV "Ang ganda," komento ni Hagen habang nakaupo sa railing na nasa ikatatlong palapag ng inn. Nakaupo si Hagen habang nasa likod niya si Aominee na nakahawak sa bewang ng lalaki. Sa labas ng inn nandoon ang mga bata at nagsisindi ng simpleng pinwheels. Pinamigay ni Aominee ang ibang delikadong paputok sa iba pang costumer dah hindi iyon pwede sa mga bata. Tahimik lang nanonood si Abyss sa mga kapatid nang mapatingin siya sa kumpulan ng mga tao kung saan nanonood din ang mga ito ng fireworks display. Naramdaman niyang may nakatingin sa kanila. Pupuntahan niya ang direksyon na iyon ng akbayan siya ni Tigrel at bumulong. "Binilin ni kuya Aominee na hindi kayo pwede lumayo sa inn." Lumakas ang putukan kaya napatingin si Aominee sa langit. Maya-maya nagkaro