Chapter 44 3rd Person's POV Nakatingin si Hagen sa kalangitan at may nakita siyang itim na usok. Umiikot iyon sa buong isla at pumapasok sa mga mansyon na nasa loob ng isla. Naglabas ng pulang liwanag si Hagen sa mga palad at dahil doon nagkaroon ng proteksyon ang buong isla. Naglaho sa hangin ang usok. Nagsuot ng rain coat sina Tamara at Barbara bago palihim na tumungo sa veranda. Tumalon ang mga ito pababa at doon nakita nila si Aedion. "Nag-aalala ako. Paano kung kumalat sa hangin ang pheromones natin— mapapahamak sina papa," bulong ni Aedion. "Naglagay ng protection si Hagen sa buong paligid. Nakikita ko iyon mula dito," bulong ni Barbara matapos lingunin ang mansyon. "That's good— tara na," yaya ni Aedion bago tumakbo at tumungo papasok sa kagubatan." Kalaunan sa mansyo