The only man AiTenshi Part 28 JAO POV "Iiyak ka na naman? Hiwalayan mo iyang gagong iyan!" ang galit na wika ni Tar habang nasa loob kami ng opisina. "Kagabi, ni hindi nagawang tumabi sa kanya, magdamag akong tuliro at wala sa aking sarili. Ang akala ko ay nagbago na siya pero mali pala ako dahil mas lumala pa siya ngayon." "Kaya nga diba, once a manloloko always a manloloko. Makapal ang mukha niyang si Gio kaya dapat diyan binabasura. Hayan na yung pag iimbestiga ng hired detective natin. Yung modelong kinuha natin noon dito na si Brix ang kabit ng asawa mo. At sabi nung waiter sa bar ay madalas nga daw itong dalawa doon at pagkatapos uminom ay aalis ng magkasama. So makatuwid bago pa kayo magbakasyon niyang si Gio ay nagloloko nanaman siya sa iyo!" "Tar, hindi ko na alam ang gagaw

