The only man AiTenshi Part 27 GIO POV "Sorry hon, nagkaroon kasi ng emergency si Vic kaya inihatid ko siya doon sa kabilang bayan," ang excuse na binitawan noong makapasok ako sa opisina ni mama, nandoon si Jao at magkausap silang dalawa. "Okay lang, tumawag na rin sa akin si Vic nanghingi siya ng pasensiya dahil pati ikaw ay naistorbo niya," ang wika nito habang nakangiti. "Nga pala eto yung mga resibo ng tuition fee ng kapatid mo, binayaran ko kanina hanggang finals para wala siyang problemahin," ang dagdag pa niya. "Salamat hon, teka babayaran ko nalang ito. Nakakahiya na sa iyo," ang tugon ko. "Aba bakit mahihiya ka sa asawa mo? Milyonaryo iyan kaya hayaan mo siyang mag bayad ng expenses," ang hirit ni mama. "Ma, baka maniwala si Gio diyan," ang wika ni Jao "Naniniwala naman a

