MASAYANG-MASAYA si Georgina habang kumakain at nakikipag-usap kay Tyrone. Hindi nila maiwasang magtawanan sa kanilang pabibiruan habang kumalain at magkatabi ng upuan. Matapos nilang kumain ay sandali silang nagpahinga sa upuan habang ang dalawang lalaki ay tumugtog ng isang kanta gamit ang violin. Para sa kaniya, ang pagkakataong iyon ay walang makapapantay na kahit na anong mang bagay. Every moments happening now were treasures. Nang matapos ay pagtugtog ng dalawang lalaki ay agad ding umalis ang mga ito, gaya ng iniutos ni Tyrone. “Let's go?” tanong ng lalaki na ikanakunot ng kaniyang noo. “What? where are we going?” Tumayo siya nang hawakan ng lalaki ang palad niya, kasabay ng pagtayo nito. Hindi naman na sumagot ni Tyrone kaya naman hinayaan na lamang niya itong dalhin siya sa i

