NASURPRESA si Georgina nang bumukas ang elevator at bumungad sa labas nito ang kulay puting tiles sa sahig na puno ng pulang talulot ng rosas na nagkalat doon. Nagtatakang tumingin siya sa lalaki, ngunit isang ngiti lamang ang naging tugon nito at inaya siyang lumabas ng elevator. Nagpatianod na lamang siya rito at hinayaan itong dalhin siya sa rooftop. She felt a sudden heart stun and amaze as she stepped her feet on the rooftop, where she saw a wonderful table set-up for a dinner date. May iilang led liight ang nakapalibot sa paligid ng tent, na nakatayo at nasa ilalim naman nito ang isang lamesa at dalawang upuan na magkaharap. Hanggang sa rooftop ay mayroong nagkalat na talulot ng bulaklak sa sahig. “Wow this is so special,” masiya niyang wika. Ito ang unang pagkakataon na may isang

