HUMINTO sa paglalakad sa treadmill si Rena nang pakiramdam niya’y may nakamasid sa kanya. Bumaba siya at in-off ang machine. Dinampot niya ang kaniyang tuwalya na nakapatong sa bench saka tinuyo ang kanyang pawis. Kumislot siya nang bumukas ang pinto. Awtomatikong pumihit siya paharap dito.
Instantly, her heart skip a beat when her eyes caught Erman calmly walking towards her with his hands inserted on the pocket of her blue faded jeans. He also wore a gray V-neck long sleeve shirt.
“Hi!” nakangiting bati nito sa kanya.
“Hello! You’re here again,” ganti niya saka malapad na ngumiti.
“I brought your stuff. Nakuha ko na sa headquarters ni Ruzi.”
“Really?” Tila tumalon ang puso niya sa tuwa. “Oh, thank you so much for your effort, Erron. I don’t know how to reward you for this.”
Erman grinned. “As I told you, don’t bother. I didn’t help for a reward. It’s just part of my job,” sabi naman nito.
“But you had done your part.” Nag-isang linya ang maninipis niyang kilay.
“Not yet.”
“Ha?”
“Marami pa akong kailangang gawin para ma-solve ang case mo.”
“What case?” Bila siyang ginupo ng hindi mawaring kaba. Nalilito siya.
“Kailangan kong matukoy kung ano ang nasa likod ng pag-kidnap sa ‘yo ni Ruzi.”
“But Ruzi was dead. Hindi ba’t nangunguha lang naman sila ng dugo?”
“Yes, but there’s a mastermind that my use Ruzi for their plan.”
“Hindi ko maintindihan. Wala naman siguro akong kinalaman doon.”
“Still, we need to gather some information from your story. Hindi ka rin makakaapak sa academy kung hindi nakompirma na inosente ka at wala kang koneksyon sa mga bampira.”
Nag-iba ang mood niya dahil sa sinabi nito. It felt a bit annoying. “Are you alleging me, Erman?” iritableng tanong niya.
Naging uneasy si Erman. “No, I didn’t mean that. It’s just part of our investigation.”
“Why need to investigate? I’m a victim. Why don’t you ask those idiots who are responsible for blood trafficking?” Bahagya siyang nagtaas ng boses.
Erman face turns pale. “I made a mistake. I killed Ruzi. Pinapa-imbestigahan sa akin ang kaso mo at hindi ka nila tatanggapin sa academy hanggat hindi nalilinaw ang pinagmulan mo.”
Lalo siyang nainis. “No need! Okay na ako rito kaysa masangkot ako sa kung ano ang gusto ninyong matukoy na anumalya. You noticed my situation, right? So let me stay here, don’t bother,” aniya saka iniwan ang kausap.
Humupa lang ang tensyon sa dibdib ni Rena pagpasok niya sa kuwarto. Hindi niya gusto ang kaniyang natuklasan. Sa kabila ng hirap na pinagdaanan niya, mapagdududahan pa pala siya na may kinalaman sa ilegal na pinaggagawa ng grupo ni Ruzi. She really felt mad at it.
Nang makapagbihis ay nagtungo siya sa mini kitchen at nagbukas na lang ng lata ng meatloaf. Tinamad na siyang pumunta sa food center. Wala rin namang gustong makipagkaibigan sa kanya. Mamaya ay tumunog ang door bell. Iniwan niya ang ginagawa saka tinungo ang pinto.
Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya si Erman, dala ang kaniyang maleta at shoulder bag na isinukbit pa nito sa kaliwang balikat. His aura instantly washed away her temper. With his smug smile, she was tempted to smile back and opened the door widely to let him in.
Walang imik na pumasok naman ang binata hila-hila ang kaniyang maleta. Saka siya nakadama ng hiya sa biglang pagmaldita niya rito kanina. Malaki pa rin ang utang na loob niya rito sa pagligtas nito sa kanya.
“Kinuha ko na lahat ng gamit mo sa kuwarto pati labahan,” kaswal na sabi ni Erman nang ilapag nito sa sahig ang maleta niya.
Nag-init ang mukha niya. Naalala niya, magulo ang kuwarto niya noong iwan niya dahil sa pagkataranta. Kapapalit niya noon ng damit kaya nagkalat ang hinubad niyang damit at underwear sa ibabaw ng kama.
“s**t! You did that?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Sorry, I thought it’s fine.”
Napansin niya ang bahagyang pamumula ng mukha ni Erman. “It’s okay. Nakakahiya sa ‘yo.”
Nilapitan niya ang kaniyang maleta at binuksan. Naisupot naman ni Erman ang mga nagamit niyang damit. Nasa ibabaw lang ng mga damit ang kaniyang laptop. Lumuklok naman sa sofa ang binata habang pinagmamasdan siya.
“Hindi ka pa nag-dinner?” pagkuwan at untag nito.
Sinipat niya ito. “Uh, magluluto pa lang ako.”
“No need. Let’s go to the food center,” anito saka tumayo.
“But-”
“No buts, let’s go,” maawtotidad na sabi nito.
Tumayo na lamang siya at sumunod dito.
Pagdating sa food center ay marami pang kumakain. As usual, nakatingin na naman lahat sa kanya.
“Wait for me here,” sabi ni Erman saka itinuro ang pang-dalawahang lamesa.
Umupo naman siya sa silya at hinintay si Erman. Ito ang lumapit sa counter upang kumuha ng pagkain. Habang naghihintay ay pasipat-sipat siya sa paligid. Nahagip ng paningin niya ang tatlong babae na nakaupo sa gawing kaliwa ng puwesto niya. They all looking at her sharply. Ano ba ang problema ng mga ito? Hindi ba kanais-nais ang mukha niya?
Sa halip na gumanti ng masamang titig ay kinawayan at nginitian niya ang mga ito. Na-snab pa siya. Tumabang ang ngiti niya. Mukha ngang may galit ang mga ito sa kanya. Magaganda naman ang mga ito, sexy kaya walang dapat na kainisan o kainggitan sa kanya. Isa pa, wala naman siyang ginagawang masama. Ni hindi nga niya kilala ang mga ito.
Kumislot siya nang ilapag ni Erman ang tray ng pagkain sa lamesa nila. Pagkuwan ay umupo ito sa katapat niyang silya. Her eyes landed on the food. Ang dami!
“Is it only for me?” nanlalaki ang mga matang tanong niya sa binata.
“Nope. Kakain din ako siyempre,” nakangiting sagot nito.
Matabang siyang ngumiti. Akala kasi niya siya lang ang kakain. Inayos pa ni Erman ang plato niya ng pagkain. Bukod sa isang set na ang nasa plato, mayroon pang nakabukod na putahe. She’s not familiar with some Filipino dishes. Adobo, tinola at caldereta lang ang alam niya.
“Do your missed Japanese food?” tanong ni Erman.
Sinipat niya ito. “Yes, so badly. Since I came here last year, I hadn’t eaten any Japanese food,” sagot niya naman, saka sinimulang lantakan ang pagkain.
“Ano naman ang pinapakain sa ‘yo ni Ruzi?”
Bumuntong-hininga siya. “Hindi ko alam kung anong klaseng pagkain ang mga iyon. Walang matinong lasa, hindi naluto nang mabuti ang karne. Kaya wala akong ganang kumain. Pinipilit ko na lang para malamnan ang sikmura ko,” malungkot na kuwento niya.
“But he treats you special than the other victims.”
Marahas siyang napatitig kay Erman. “Special? Anong special doon? He treats me like a prisoner,” matigas ang tinig niyang wika.
“Calm down, I’m just asking,” sabi naman nito.
Ang bilis talagang tumaas ang temper niya, lalo kung hindi niya gusto ang naririnig niya. Aminado siya na maldita siya depende sa sitwasyon at taong nakakasalamuha niya. Pinalaki siya ng sadistang ama, sanay sa kalupitan at pasakit.
“Living with Ruzi was hell, Erman. Siguro kung mahina lang ang loob ko, baka kinitil ko na ang sarili kong buhay,” aniya sa malamig na tinig.
“I know, that’s why I’m here to help you.”
“You just done your part, Erman. Kung may duda kayo sa pinaggagawa ni Ruzi, sa kanya lang at mga kasama niya kayo makakakuha ng sagot, hindi sa akin.”
“Pero ang pinupunterya namin ay ang client na bumili umano sa ‘yo.”
“Hindi ko kilala ang nilalang na iyon.” Bahagya na namang tumaas uminit ang ulo niya.
“Okay. Huwag na muna nating pag-usapan ‘yon. Let’s eat,” sabi na lang nito.
Hindi na siya nagsalita. Itinuloy niya ang pagsubo.
Pagkatapos nilang maghapunan ay ipinasyal naman siya ni Erman sa ibang pasilidad na hindi pa niya napupuntahan. Mayroon palang KTV bar sa gusali. Naroon ang mga taong na-miss ang night life. May mga alak din at entertainment shows.
“It’s a nice idea,” komento niya pagdating nila sa bar counter.
“It’s my idea,” ani Erman.
Hinarap niya ito. Deem light lang ang naroon at may umiikot na disco light na hindi naman masakit sa mata. But wait, bakit tila lalong gumuwapo sa paningin niya si Erman? May kakaibang karisma ito sa dilim, something sexy and hot.
“Kaya pala kilalang-kilala ka rito,” aniya.
“Actually, my family owned this property. Dapat ay rest house lang ng pamilya namin ito but since I am the only son, I decided to share this with the human survivor. My dad finances the facilities with the help of his brother. I and my cousin planned interesting facilities like this,” kuwento nito.
“Seems you have an idea in business, huh?” sabi niya, habang pasimpleng ini-enjoy ang pagtitig sa guwapo nitong mukha, against the light.
Erman giggled. “Yes. I graduated the business related course, like Business Administration, hotel and restaurant management, etc,” anito.
Nawindang siya. Pareho silang business minded. “Wow! I’m graduated business administration too,” masiglang wika niya.
Titig na titig sa kanya si Erman. “Ang galing naman. Sayang, nag-close na ang resort anf hotel namin sa Talisay.”
“Oh, my resort kayo?” Namamangha siya sa natuklasan.
“Yap. My dad was a good businessman too.”
“What about your mother?” Natukso na siyang kilalanin pa si Erman.
“She’s a forensic chemist.”
“Wow!” tanging komento niya.
Inabala naman sila ng bartender at ibinigay ang order nilang cocktail. Sa kanya lang pala ang cocktail. Red wine lang ang in-order ni Erman. Pagkuwan ay lumuklok siya sa couch, sa may unahan ng counter at kaharap ng stage na may kumakanta. Parang normal lang ang mundo, na walang nangyayaring zombie apocalypse sa labas.
“What about you? Can you share your family background?” mamaya ay tanong ni Erman.
Bigla siyang ginupo ng lungkot. Parang pinipiga ang puso niya sa tuwing naiisip niya ang pamilyang tinalikuran niya. Na-distract siya nang maramdaman niya ang pagsampa ng kaliwang braso ni Erman sa headrest, sa kanyang likuran. Nasagi nito ang likod niya at feeling niya ay inaakbayan siya nito.
“Uhm, I don’t know how to tell the story related to my personal life,” sabi lang niya. Ang totoo ay hindi siya komportableng magkuwento kahit kanino tungkol sa personal niyang buhay.
Lumaki siya na walang kakuwentuhan. Kahit ang mommy niya ay hindi niya madalas nakakausap dahil nakabuntot ito palagi sa daddy niya. Sa school, wala siya masyadong kaibigan. Kapag may lumalapit sa kanya at gustong makipagkaibigan ay pinagbabawalan ng bodyguard niya.
Ngayon niya natanto bakit nga ba ganoon ang trato sa kanya ng kaniyang ama. Para bang ayaw nitong magkaroon siya ng kaibigan. Ni hindi niya na-enjoy ang childhood niya. At the age of ten, he saw an actual killing in front of her. Mahilig kasi siyang makiusyoso sa mga pinaggagawa ng daddy niya. Her dad’s men killed people inside their basement.
Kaya ayaw niyang magkuwento dahil alam niyang hindi normal ang nangyari sa buhay niya. Hindi siya lumaki sa normal na pamilya. Bilanggo siya ng batas ng daddy niya, isang batay na nakakasakal.
“Hey, are you okay?” pukaw sa kanya ni Erman.
Hindi niya namalayan na tulala na siya nang ilang sandali. Matamang tumitig siya sa binata. “Sorry, I just can’t share my previous life easily. I had trouble expressing my emotions without triggering my feeling to hurt me more,” she said in a cold voice.
“That’s okay. Take time for this until you have the confidence to tell your story to anyone. But if you need someone to talk about it, don’t hesitate to call me,” sabi naman nito.
“Thanks, Erman. Yes, at this time, I can only trust your.” Ngumiti siya.
“My pleasure.” Sinagi nito ng baso ang kaniyang martini glass.
She felt an unexpected excitement while sharing a night with Erman. Binuksan nito ang bagong mundo para sa kanya.
HINDI napigilan ni Erman si Rena na maparami ang inom ng cocktail. Mabilis itong nalasing kahit hindi naman matapang ang timple ng nasabing inumin. Sinadya niyang pabayaan ito pero pinakiusapan niya ang bartender na konting alak lang ang ihalo sa inumin nito. Pero nahilo pa rin ang dalaga. Siguro sinabayan na rin ng antok kaya ito nakatulog at nakaunan sa kandungan niya.
Naroon lang sila sa couch, pinagkasya ang kanilang mga katawan. Nang mahimbing na ang tulog ng dalaga ay binuhat na niya ito. Nagulat siya nang bigla itong nagsalita.
“Ashiteru, gokusan…”
Bigla itong yumakap sa kanya. Naramdaman niya ang mamasa-masang pisngi nito nang sumiksik ang mukha nito sa leeg niya. She’s crying. Pamilyar sa kanya ang lenguwahe nito pero hindi niya naintindihan. He could feel the heavy emotions from her tears. It proves that Rena was not okay. She’s still suffering from anxiety and sorrow.
Nag-teleport na siya papasok sa kuwarto nito dahil wala siyang susi. Maayos niyang inihiga sa kama ang dalaga at kinumutan. Aalis na sana siya nang biglang nagsalita ang dalaga.
“Erman…”
Nilingon niya ito. Bahagyang nakabukas ang mga mata nitong namumungay. Gising pa ito pero siguro wala na sa huwisyo.
“Yes?” untag niya.
“T-thank you for being here for me. I know you bothered. You can leave me here, I’m fine,” sabi nito sa malamyang tinig.
Tuluyan niya itong hinarap at nilapitan. Lumuklok siya sa paanan nito. Nagpumilit naman itong umupo. Saktong pagpihit niya paharap dito ay lumapat ang bibig nito sa mga labi niya. Naparalisa siya panandalian nang awtomatikong dumantay ang bayolenteng init sa kanyang mga ugat at laman. It hits his heart that instantly increasing the unusual fast rhythm.
Kaagad ding lumayo sa kanya ang dalaga, bakas sa mukha ang pagkagulat.
“Oh, sorry. I just wanted to kiss you on your cheek to thank you for all your effort for me,” she apologized.
He took a deep breath to control his emotions. “It’s okay. Just sleep,” sabi lamang niya.
“Please don’t get me wrong,” anito, na halos hindi na maimulat ang mga mata.
“Wala lang ‘yon. Don’t mind it. An accidental kiss was not a big deal.”
She grinned. “But your tender lips felt arousing,” walang gatol na sabi nito.
Nag-init ang sistema niya dahil sa sinabi nito. Idinaan na lang niya sa pagtawa ang kanyang nararamdamang kakaiba.
“You should rest and sleep, Rena. I have to go,” aniya saka siya tumayo.
“Okay. Goodnight, Erman.” Humiga na ito.
“Goodnight. Sleep well.”
Hindi na nagsalita ang dalaga. Nakapikit na ito.
Sa ‘di mawaring kadahilanan ay tila ayaw umalis ng mga paa niya sa tabi ng dalaga. Nagtatalo ang puso’t isip niya. His heart wanting to stay and watch this girl until late morning. But his mind protesting and wanted to push her away, reminding him that she does not deserve to cares like special. Nothing special to her.
But he ended staying in Rena’s room until midnight. Kung hindi lang niya naramdaman ang mind radar ng kanyang ama ay hindi siya aalis doon.
“s**t! What’s happening to me?” kastigo niya sa sarili.
Nag-teleport na lamang siya pauwi sa bahay nila, kung saan niya nasagap ang aura ng daddy niya.