Chapter 3

2593 Words
ANG sarap ng panaginip ni Rena nang umalingawngaw ang doorbell mula sa main door. Naalimpungatan siya. Bumalikwas siya nang bangon nang mamalayan na umaga na pala. Kaagad siyang pumasok sa banyo ay mabilisang nagsipilyo at naghilamos. Malamang si Erman na ang nag-doorbell. Kukuhaan pala siya nito ng dugo. The doorbell didn’t stop beeping and it pushed her to hurry up. She didn’t mind her messy hair. Patakbong lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang main door sa salas. Nabuksan na niya ang pinto nang maalala niya na wala siyang suot na bra. Tanging puting T-shirt na malaki ang suot niya at puting pajama. Awtomatikong dumapo ang paningin ni Erman sa gawi ng dibdib niya, na kaagad naman niyang tinagkpan ng kaniyang mga kamay. Uminit ang mukha niya. May kung anong nagtatakbuhan sa loob ng kaniyang dibdib. “G-good morning!” matabang ang ngiting bati ni Erman, saka ibinaling ang tingin sa kaniyang mukha. “G-good morning!” ganti niya, nakangiwi. “Sorry, kagigising ko lang.” “Can I come inside?” tanong nito. “Sure.” Nilakihan niya ang awang ng pinto. Nang makapasok na ito ay isinara niya ang pinto. “Uh… can you wait for a minute?” pagkuwan ay paalam niya. “Yeah.” Nagmamadaling pumasok siya sa kuwarto. She curse while wearing her bra. Nakakahiya siya. Bakat na bakat pa naman ang n*****s niya. Ano na lang kaya ang iisipin ni Erman? Nang maayos ang bra ay sinuklay niya ang ga-baywang niyang buhok saka itinali nang mataas para walang hibla na nakalawit. Pagbalik niya sa salas ay namataan niya si Erman na nakaupo sa sofa at inihahansa ang syringe at malaking specimen glass tube nito. May dala itong medicine kit na hindi niya napansin kanina pagpasok nito. Nagduda siya kung marunong ba itong kumuha ng dugo. “Are you ready?” nakangiting tanong nito, minsan pang nasipat ang gawi ng dibdib niya. “Uh… yes,” naiilang na sagot niya. “Sit here then,” he commanded. Umupo naman siya sa gawing kaliwa nito. Ito naman ang tumayo hawak ang 5cc syringe at watch looks like BP monitor. “Do you know how to inject me?” dudang tanong niya. “Yap,” confident nitong sagot. I’m not a doctor or medical technologist but I’m trained. Hands-on ako sa laboratory with my pathologist uncle and cousin.” “Okay,” sabi lang niya. “I’ll check your blood pressure first.” Kumislot siya nang hawakan nito ang kaliwang braso niya saka ipinatong sa armrest ng sofa. Isinuot nito sa pulupulsuhan niya ang BP monitor. May pinindot lang ito sa may gilid at umandar na. Mayamaya ay lumitaw na ang resulta ng BP niya. “110/80, it’s normal,” he said. Inalis na nito ang BP monitor. Napangiti siya. “Hindi na ako anemic,” aniya. “Yap. Mabilis naka-recover ang dugo mo dahil nakatulog ka nang maayos at kumain ng iron rich foods.” Pagkuwan ay tinalian nito ng bughaw na laso ang kaliwang braso niya. Lumitaw ang mga ugat niya. Sanay na siyang nakukuhaan ng dugo. Bata pa lang siya ay ginagawa na iyon sa kanya ng daddy niya. Noong napadpad siya kay Ruzi ay saka niya natanong ang kanyang sarili. Bakit nga ba siya kinukuhaan palagi ng dugo ng daddy niya? She recall those memories when Ruzi started to collect blood from her. Sa halip na sa braso niya tumingin ay mukha ni Erman ang tinitigan niya. Pinahiran na nito ng cotton na may alcohol ang bahagi ng balat niya na tuturukan ng karayom. Seryoso ito sa ginagawa. And while she’s silently scanning his handsome face, her heart started creating a tickling emotion, as if there’s an unusual element racing inside. It makes her heart pounding so damn fast. Itinurok na ni Erman ang karayom sa kaniyang ugat. Nanuot ang kirot nang simulang sipsipin ng syringe ang kaniyang dugo. Napangiwi siya pero kaagad ding nabalewala ang sakit nang magtama ang mga mata nila ng binata. His fine stares made her nerves calm and easing the breathtaking pain. Ibinalik din nito ang tingin sa braso niya sabay hugot sa karayom. Kaagad nitong nilapatan ng bulak na may alcohol ang bakat ng karayom saka itinikit gamit ang surgical tape. Isinalin naman kaagad nito ang dugo sa glass tube. “You can eat your breakfast now,” sabi nito habang nagliligpit ng gamit. Bigla siyang nanghina. “I didn’t cook yet,” aniya. “I’ll call the food center staff to send you a set of breakfast,” sabi nito. Tumayo siya. “Naku huwag na! Ako na lang ang pupunta sa food center,” agap niya. “Okay.” Pagkuwan ay nagpaalam na ito sa kanya. Pagkatapos naligo ni Rena ay ngapunta kaagad siya sa food center. Nagkanda-ligaw-ligaw pa siya. Ang turo ni Erman, sa counter daw siya kumuha ng meal stub basta ipapa-scan muna niya ang palm print niya sa monitor. Mabuti may mga karatula kaya natagpuan kaagad niya ang malawak na food center. Pagpasok niya ay maraming kumakain. Karamihan ay mga lalaki ang naroon. Lahat ay nakatingin sa kanya. Wala roon si Nana Linda. Wala siyang kilala kahit isa. It’s weird. All faces are serious and some of them staring at her sharply especially the girl group at the center of table rows. She slightly smiled at them but no one responding. Dumiretso na lamang siya sa counter. “G-good morning! I’m new here,” bati niya sa matangkad na lalaking nasa loob ng counter. He was tall and handsome, maganda rin ang katawan. Nakasuot ito ng putong polo-shirt, clean cut ang buhok. Para itong nagtatrabaho sa bar. Bartender ata ang tawag doon sa nagsi-serve ng alak. Limot na niya. Malapad na ngumiti ang lalaki. “Hello! Paki-scan po ang palad dito,” sabi naman nito saka itinuro ang flat screen monitor na nakalapat sa may gilid ng hand sanitizing machine. Inilapat naman niya isa-isa ang palad niya. Pagkuwan ay sinilip ng lalaki ang monitor. May lumabas na maliit na bar code sa gawing kaliwa ng scanner. Hinugot iyon ng lalaki saka in-scan naman sa monitor na kaharap nito, sa loob ng counter. “Your name is Rena Natsuki, right?” tanong nito. “Yes,” nakangiting sagot niya. “Uhm, niluluto pa po ang breakfast ninyo. Kaka-request lang daw po kasi ni Sri Erman,” sabi nito. “Ha?” Nawindang siya. Bakit si Erman pa ang nagpaluto? “Wala bang available na breakfast dito?” “Meron po pero ibang recipe po.” “Ganun ba?” “Pakihintay na lang po. Maupo muna kayo at tatawagin kita kapag dumating na ang pagkain,” sabi ng lalaki. “Okay.” Ang weird. Inukupa niya ang pangdalawahang mesa malapit sa counter. Umupo siya sa silya habang nakikiramdam sa paligid. Ang tahimik. Seryoso lahat ng tao pero karamihan pa rin sa mga ito ay nakatingin sa kanya. Naisip niya, ganoon ata roon, agaw pansin kapag bagong salta. Mailap ang mga tao. Well, people around her are also a survivor from the apocalypse. Most of them may suffer from trauma or anxiety. Compared to her experiences in the arms of Ruzi, they’re are just nothing. Malakas lang talagaa ang loob niya. Her blood saves me even it’s about to kill me. It’s better to die naturally than in a brutal way. But God never left her in times she needs a shepherd. Ramdam niya na hindi siya nag-iisa. Naniwala siya na darating ang araw na makakalaya siya at mabubuhay na normal. Kaya malaki ang pasasalamat niya sa pagdating ni Erman. “Rena Natsuki!” tawag ng lalaki mula sa counter. Gumamit pa ito ng microphone. Lalo tuloy nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. Tumayo siya at lumapit sa counter. Naroon na ang pagkain niya, nakalagay sa tray. “Here’s your meal,” nakangiting sabi ng lalaki. “Thanks.” Kinuha naman niya ang tray ng pagkain saka dinala sa kanyang mesa. Gutom na gutom na rin siya dahil nag-fasting siya. Ang bango ng sabaw. The soap has thin strips of beef loin meat, sliced white mushrooms, and spinach. One cup rice for carbohydrates, scrambled eggs with tomatoes, and fried smoked fish. Nilantakan kaagad niya ang pagkain. Habang walang tigil ang pagsubo niya ay biglang sumagi sa balintataw niya si Erman. Napangiti siya nang maisip na si Erman pa talaga ang pumili ng almusal niya. It’s felt special and she stared to admire him.   BAGO dumilim ay bumalik si Erman sa headquarter ni Ruzi. Wala nang mga bampira roon. Pinuntahan niya ang kuwarto na sinabi ni Rena. Naka-lock iyon sa labas kaya nag-teleport siya papasok. Magulo ang kuwarto at maalinsangan. Binuksan niya ang malaking wooden cabinet. May mga damit pa roon ang dalaga. Nasa lapag lang ang itim na malaking maleta. Binuksan niya ito. Maraming kagamitan at naroon ang maliit na laptop. Sa pinto ng aparador nakasabit ang malaking asul na shoulder bag. Binuksan niya pero hindi na niya hinalungkat. Ang passport lang ang kinuha niya. Nagmula pala sa Osaka Japan si Rena, dual citizen, a 26-year-old single. Napaisip siya. Last year lang bumiyahe papuntang Pilipinas si Rena. And the travel date was one week after the official travel ban of all countries from the Philippines but they are allowed Filipinos to travel back to the Philippines. Hindi ba alam ni Rena ang nangyayari sa bansa noong nagbiyahe ito? Base sa kuwento ng dalaga, mag-isa lang itong bumiyahe. It’s mean, biglaan ang biyahe nito. Urgent flight ang nakalagay sa ticket nito at napakamahal. Na-curious tuloy siya. Kinuha niya lahat ng gamit ni Rena at dinala sa academy. Tinanggihan ng security in-charge na si Trivor ang request niya na ipasok sa academy si Rena. Humihingi ng maraming identity clarification proof si Trivor para pumasa sa qualification si Rena. Pinuntahan niya sa opisina nito si Trivor dala ang ilang katibayan na magpapakilala kay Rena. Kinuha niya ang passport, Visa, isang college ID, birth certificate ng dalaga. Isa-isa naman iyong tiningnan ni Trivor. Nakaupo lang siya sa tapat ng mesa nito. “Why she traveled during a nationwide lockdown? Is she didn’t aware of the situation here before?” usisa ni Trivor. “I think no. Rena told me that she was surprised when she arrived at the airport and the staff required her to undergo a saliva and swab test. Special ang flight niya at ticket, meaning, pumasa siya sa requirement ng Japan airport dahil dual citizen siya. Ang nakalagay sa reason niya, kailangan niyang umuwi ng Pilipinas dahil namatay ang Filipina mother niya,” aniya base sa record ni Rena kalakip ng travel authority for emergency purpose. “Pero one way lang ang ticket niya so wala pa siyang planong umuwi ng Japan.” “I’m not sure about that, Tito.” “Ang gusto kong malaman ay bakit si Ruzi ang sumundo sa kanya sa airport.” Iyon din ang isa sa ipinagtataka niya. “Nagpanggap si Ruzi na driver ng taxi.” “Yes, meaning, Ruzi knows his target. Nasa hot list niya si Ms. Natsuki. Ibig nitong sabihin, sa Japan pa lang si Ms. Natsuki ay may record na nito si Ruki.” Matiim siyang tumitig kay Trivor. May point ito. Nalalala niya, sinabi ni Ruzi na may nakabili na kay Rena na Japanese client nito. Nakita niya ang agreement record ni Ruzi tungkol kay Rena. The client was anonymous. He offered a billion Japanese yen as a reward, not payment. They didn’t use the term ‘payment’ during the transaction, meaning, Ruki and his clients were connected and their operation was processed. “Tito, I’m not sure if Rena aware of the blood trafficking that may already be started in Japan,” aniya. “Or she was aware and notices that she was on the hotlist. That’s why she booked an urgent flight going to the Philippines just to escape the process,” hula nito. Mukhang tama si Trivor pero hindi siya basta umasa lang sa hula. Kailangan nila ng sapat na proweba. Mukha naamng inosente si Rena. “I’ll try to talk to her and interrogate her about this, Tito,” sabi na lamang niya. “Yes, you should do if you want to help her. But I have this instinct, maybe Ms. Natsuki’s blood was special because of the client’s offer as a reward.” Natigagal siya. Tama nga kaya si Trivor? “I guessed too, Tito,” aniya. “Kilatisin mo pa ang babae, Erman. Balitaan mo na lang ako if may update na. Gusto ko ring matukoy itong clients ni Ruzi sa Japan. Mukhang bigatin siyang kalaban. Ang mlai mo lang ay pinatay mo kaagad si Ruzi,” ani ni Trivor na may halong sermon. “Sorry, Tito.” Tumango lang si Trivor. Ibinalik nito sa kanya ang mga gamit ni Rena. Pinuntahan naman niya si Alessandro sa laboratory. Hindi pa nito natatapos ang examination sa dugo ni Rena. Marami rin kasi itong ginagawa.  Siya na lamang ang nag-scan ng ID at passport ni Rena sa security machine. Pagkatapos ay dinala na niya ang mga gamit ng dalaga sa rest house. Nakatatlong pindot siya sa door bell ng pinto sa kuwarto nito pero walang bumubukas. Iniwan na muna niya ang maleta ni Rena sa kabilang kuwarto, na ginagamit din niya minsan. Nag-ikot siya sa mga pasilidad. Baka ika niya’y nasa food center lang ito. Kaunti lang ang kumakain doon, alas-otso pa lang naman ng gabi. Lumapit siya sa counter. Si Fernan ang naka-duty sa counter. “Good evening, sir Erman!” nakangiting bati nito sa kanya. Ngumiti siya. “Kumain na ba rito si Rena Natsuki?” kaagad ay tanong niya. Tiningnan naman ni Fernan ang record sa monitor nito. “Umaga at tanghali lang po siya kumain. Ngayon gabi wala pa po,” mamaya ay sagot nito. “Sige, salamat.” Saktong paglabas niya ng food center ay nasalubong niya si Nana Linda. Hinarang siya nito at binati. “Napadalas ata ang pagdalaw n’yo rito, sir, ah,” anito. “Uhm, yes, may inaasikaso kasi ako,” sabi naman niya, pero ang isip niya ay si Rena. “Nakita n’yo po ba si Rena, Nana?” hindi natimping tanong niya rito. “Naku! Kanina pa siya roon sa Gym.” “Sa gym?” “Yes, sir. Tumatakbo siya sa treadmill.” Shit! Walang imik na iniwan niya ang ale. Dapat ay nagpahinga muna si Rena. Papasok na siya sa gym nang mapako ang mga paa niya sa labas ng pinto na salamin. Mula roon ay natatanaw niya si Rena na marahang naglalakad sa gumagalaw na treadmill. She just wearing a gray cycling and fitted black scoop back sleeveless shirt. Pawisan na ito at kanang kamay lang ang nakahawak sa handle. Nakapusod ang buhok nito na mataas kaya lalong umaliwalas ang mukha nito. Kahit naka-side view ito ay nai-imagine niya ang buong mukha nito. Pero namawis ang mga palad niya habang nakatingin siya sa balingkinitang katawan nito. He ended rewinding the scene where he noticed that she has no bra. It was in the late morning. Umahon ang init sa katawan niya. “What the f**k?” sita niya sa sarili. Mukhang tinaman na siya. Is it time to find his match rather than matching someone to anyone?      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD