ERMAN shook his head to erase those unnecessary thoughts. He has just done his mission, to save those humans from the stupid Ruzi, the mastermind of the series human trafficking case. Gigil na gigil siya pagkakita pa lang niya sa mga taong kinukuhaan ng dugo para ibenta. They harvested the blood to export. Awang-awa siya sa mga tao.
After leaving Ruzi’s headquarter, their soldier attacked the area and save other humans. They kill all vampires who serve Ruki. Pero itong naisalba niya na haponesa ay kakaiba talaga ang dating sa kanya. Unang kita pa lang niya sa dalaga ay para siyang dinagukan ni Kupido. She’s not just pretty, he felt an instant special from her. That was so damn weird!
Pagdating niya sa unang laboratory ay si Devey lang ang naabutan niya, his second cousin. Ito ang nag-utos sa kanya na pasukin niya ang lungga ni Ruzi, na matagal nang nasa hot list nila. Nagre-refill ng mga chemical si Devey sa mga glass tube.
“Sino naman ‘yong babaeng inuwi mo rito?” kaagad ay tanong nito.
“Uhm, si Rena. Siya ‘yong hindi pa naisalang sa blood harvesting dahil buo siyang bibilhin ng Japanese client ni Ruzi,” sagot niya. Pumuwesto siya sa harapan nito.
“And why you bring her here?”
“I need to know her identity and background. Base sa psycho ko sa kanya, hindi siya talaga rito nakatira. She has a drop of Japanese blood. Her name was Rena Natsuki.”
“Baka may kaanak siya rito.”
“I thought too. Pero nag-lockdown na rin ang buong Metro Manila. Biglang lumubo ang kaso infected ng virus at sa ibang bahagi ng Luzon. Wala nang flights, domestic man o international. Hindi na rin natin puwedeng ibalik si Rena kung may kaanak siya sa ibang lugar dahil for sure, wala na siyang madadatnan doon.”
“Sa safe house mo na muna siya ilagay,” ani ni Devey.
“Bakit?”
“Under observation pa siya. Doon mo na lang siya kilatisin. Naghihigpit ngayon ang academy. Hindi na pinapahintulutan ang pagdala rito ng mga outsider lalo kung wala pang malinaw ng identity.”
Bumuntong-hininga siya. Wala siyang choice kundi sumunod sa patakaran.
Pagkabigay ng report niya kay Devey ay umuwi na muna siya sa bahay nila. As usual, tahimik na naman. Palaging wala sa bahay ang parents niya. His mom was working on their organization as part of the research and crime division as a forensic chemist. Ang dad naman niya ay nasa investigation unit din kasama ang ibang opisyales.
Wala pa siyang kapatid since napinsala ang matris ng mommy niya dahil sa reincarnation. Inalis na iyon kaya hindi na ito nabuntis. Hindi niya maiwasang mainggit sa ibang kasama niya o mga pinsan na may mga kapatid. Bukod pa sa nag-iisang anak siya, pareho ring busy ang mga magulang niya.
Pumasok siya sa kusina at naghalungkat ng makakain. Walang laman ang refrigerator, naka-off ito. Walang stock na pagkain kahit can goods. He gasped some air. Palibhasa parehong bampire ang parents niya. Dating tao ang mommy niya pero may lapastangang gumawang bampira rito. Good thing, naipanganak na siya noon bago tuluyang maging bampira ang mommy niya.
Bihira nag-iimbak ng pagkain ang mommy niya dahil bihira namang kumakain angmga ito, puro dugo lang. Siya lang itong mahilig kumain. Bihira kasi siya umiinom ng dugo, kapag talagang kailangan na. Nagtungo siya sa backyard na may mga pananim na gulay at prutas. Mabuti na lang may nahinog na bunga ng saging na saba. Tinumba na niya ang puno.
Kinain niya ang hinog na bunga. Ang iba ay dinala niya sa academy. Ipapaluto niya sa Tito Serron niya ang saging, para maging banana cue. Mahilig din siya sa matatamis. Mabuti naoron pa ito sa kusina.
“Wow! Saan galing ‘yan?” nasorpresang tanong ni Serron nang makita ang isang sakong saging.
“Sa bahay, Tito,” sagot niya. “Baka po puwede ninyong lutuin ito, banana cue.”
“Sure. Tulungan mo akong magbalat.”
Tumulong naman siya sa pagbabalat ng saging. Ipapaluto na niya lahat para makatikim naman ang iba. Nang may naluto na si Serron ay bigla niyang naalala si Rena. Kailangan pala niya itong makausap.
Kumuha siya ng tatlong pirasong naluto nang saging na may tinunaw na asukal. Inilagay niya ito sa plato na may kasamang tinidor. Nakatatlong katok siya sa pinto ng kuwarto ni Rena bago ito bumukas. His eyes automatically caught her lower body, wearing a red dress that shows her natural beauty, simple but attention seeker. The dress was fitted to her slim body and rosy white skin.
“H-hi!” naiilang na bati ng dalaga.
He stared at her smiling pretty face. Unexpectedly, his heart raced, as if it was trying to escape from his rib case. He forgot his intention why he drops by at her temporary room. Napatingin si Rena sa hawak niyang plato ng minatamis na saging. Nahimasmasan siya.
“Uh, sorry. I-I just want to give you some snack,” aniya. s**t! Nautal pa siya!
“Oh, thank you so much,” she said excitedly. “Would you like to come inside?”
“Yes, please,” kaagad niyang sagot.
Nilakihan naman nito ang awang ng pinto saka siya pinapasok. Inilapag niya ang plato ng pagkain sa mesita, katabi ng kama. Pagkuwan ay umupo siya sa sofa. Nilapitan kaagad ng dalaga ang pagkain saka tinusok ng itnidor ang isang buong saging na may asukal.
Natulala siya habang nakatitig dito. She looks sexy while eating the banana, standing in front of him, napapikit pa.
“Hm, ang sarap!” komento nito.
Napangiti siya. At least hindi na ito naiilang. Nararamdaman niya ang confident ng dalaga. Siguro nga ay na-trauma lang ito kaya medyo lutang noong unang paghaharap nila. Umupo ito sa paanan ng kama at nakaharap sa kanya.
TUMIGIL sa pagsubo ng saging si Rena nang mapansin niya na titig na titig sa kanya si Erman. Una’y inalipin siya ng hiya. Mayamaya rin ay may hindi mawaring emosyon na umahon mula sa kaniyang puso. Ang mapungay nitong mga mata ay tila inuusig siya.
Ngumiti ang binata at lumikot ang mga mata. Panay ang buntong-hininga nito. Hindi rin niya nasaway ang kanyang mga mata na sinusuri ang kabuuan nito. Erman’s image was almost perfect. He had dominant looks, tall, masculine, and handsome.
Katamtaman ang kulot ng buhok nito na abuhin, may isang pulgada. Katamtaman ang kaputian ng balat nito, makinis, matangos ang ilong, mapupula ang katamtamang nipis na mga labi. Pumiksi siya nang matanto na nasa estado na siya ng pagpapantasya.
“Mas sasabihin pala ako, Rena,” basag ni Erman sa katahimikan.
Matamang tumitig siya rito. May isang dipa lamang ang agwat nila sa isa’t-isa. “Ano ‘yon?” curious niyang tanong.
“Uhm, medyo mahigpit na kasi ngayon ang academy. Hindi muna sila nagpapatira ng outsider dito lalo na sa mga na-rescue namin mula sa panig ng kalaban. You’re under observation. In some cases kasi, may mga na-rescue kami dati na dinala dito, ‘yon pala ay instrument ng kaaway namin, o kaya’y isa sa experimented vampires,” sabi nito.
Her forehead knotted. “You mean, they are alleging me?” may pait na untag niya.
“No, that’s not what I mean. Nag-iingat lang kami. Ramdam ko naman na hindi ka talaga nagkaroon ng engagement sa grupo ni Ruzi. You’re just a victim. But we have to follow the protocol. Mamaya bago dumilim, dadalhin kita sa safe house. You can choose from one of our safe houses.”
May kung anong lungkot na umatake sa kanya. Wala naman siyang choice. Kung sa bagay, mas okay na ‘yong marami siyang makakasama.
“Marami bang tao sa safe house ninyo?” pagkuwa ay tanong niya.
“Yes, mga survivor din,” tugon nito.
“Sige,” aniya sa malamig na tinig.
Pagkuwan ay tumayo na si Erman. “Babalik na lang ako mamaya para sunduin ka.”
Tumango lamang siya. Sinusundan niya ng tingin ang binata habang papalabas ng pinto.
Alas-tres pa lamang ng hapon ay pinuntahan na ni Erman si Rena sa kuwarto. Nataranta naman ang dalaga. Wala naman siyang personal na gamit dahil naiwan ang mga iyon sa headquarter ni Ruzi. Ang binitbit lang niya ay mga gamit na binigay ni Erman.
Dinala pa siya nito sa food center at pinakain. Kumain din ito kasabay niya sa bilog na lamesa. Maraming mesa sa maluwag na pasilidad, mayroong counter. Para siyang nasa isang eleganteng restaurant.
“Bakit may kainan dito?” tanong niya kay Erman.
“Mayroon kasing academy rito, an exclusive school for future vampire warriors and to become a member of Sangre organization,” sagot naman nito.
“So, meaning, mga bampira lahat na narito?”
“Not all but mostly. May mga tao rin dito na nagtatrabaho sa factory at sa organisasyon mismo. Ang totoo, may dugo rin akong tao.”
Nanlaki ang mga mata niya. “You mean, tao ang isa sa parents mo?”
“Yap, before. Pero katagawan ay naging bampira na rin ang mommy ko.”
“Ang sabi mo may mga taong nagtatrabaho rito. Ibig sabihin ay puwede rin akong magtrabaho,” pag-iiba niya sa paksa.
“Ah yes, pero kailangan munang matapos ang investigation sa iyo. Meaning, aalamin muna namin ang back story mo, kung saan ka nagmula, mga pinagdaanan mo bago ka napadpad dito. Bukas ng umaga ay pupuntahan kita sa safe house para kuhaan ng blood sample para sa gagawing test. Once cleared and walang kaduda-duda sa identity mo, mabibigyan ka ng permiso na magtrabaho rito sa loob ng academy. Mairerehistro ka bilang authorize person,” paliwanag ni Erman.
Naalala niya ang mga gamit niya na naiwan sa headquarter ni Ruzi. “Pero naiwan ang mga gamit ko sa kuwarto roon sa headquarters ni Ruzi,” aniya.
“Oh, so may mga gamit ka palang dala,” manghang saad nito.
“Yap, isang maleta ‘yon at malaking shoulder bag. May laptop pa nga ako roon.”
“Teka, paano ka ba napunta kay Ruzi?”
Uminom muna siya ng tubig bago nagsimulang magkuwento. “Kararating ko lang kasi noon mula Japan, one year ago. That time, mahigpit na ang airport dahil sa kumakalat nga na virus. Sumalang ako sa saliva and swab test. Ang sabi sa akin, kailangan ko raw munang mag-stay sa quarantine facilities. Paglabas ko ay may taxi na nakaabang, na naghahatid ng mga pasahero papunta sa quarantine facilities. Pero ‘yong driver ay si Ruzi. Dinakip niya ako at dinala sa headquarters nila.”
“In one year, nasa puder ka lang niya?”
“Yap.”
“Without taking your blood?”
“Uhm, actually, he took one blood from me. He bid my blood for his foreign vampire client.”
“f**k!” Erman cursed. His face turned upset.
“It took six months before someone pick my blood but the client was killed. So Ruzi took some blood for me for future use. Pero biglang bumagsak ang hemoglobin ko. Nagkaroon ako ng anemia kaya matagal niya akong pinagpahinga. Trauma attacked me in almost one year. Dumating ang points na gusto ko nang mamatay. After three months, sinabi ni Ruzi na may nakakuha na ng dugo ko at gusto akong bilhin sa halagang isang daang bilyong Japan yen. Iyon na nga ang sinabi niya sa iyo na kukunin na ako ng client. Mabuti dumating ka,” emosyonal na kuwento niya.
“Bakit ikinulong ka niya noon?” usis anito.
“Kasi noong may umatake na kalaban, tinangka kung tumakas pero nahuli niya ako kaya ikinulong niya ako.”
Mabibigat na hanging pinakawalan ni Erman. “Okay. Babalik ako sa headquarter ni Ruzi para hanapin ang gamit mo,” anito pagkuwan.
Awtomatiko siyang sumigla. “Sa may room twelve ang kuwarto ko,” aniya.
“Sige.”
Nagpatuloy siya sa pagsubo.
PINILI ni Rena na mag-stay sa rest house sa Cagayan De Oro. Malapit lang iyon sa academy. Ayaw niya sa isla na naliligiran ng karagatan. Mas gusto niya sa tuktok ng bundok. Pero hindi naman as in mataas ang area, isolated lang at malayo sa bayan. May malawak na lupaing nasasakupan ang rest house, may farm land, ilog, at burol.
Karamihan sa mga tao roon ay mga lalaki. May mga babae rin naman pero iilan lang. Si Erman mismo ang nag-asikaso sa kuwarto niya. Halos mapuno na ang kuwarto sa tatlong palapag na gusali. Hiwalay ay kuwarto ng mga lalaki. Parang nasa isang hotel lang siya.
She was amazed when Erman told her that there are more facilities to enjoy with. There’s a fitness gym, sports hub, mini-resort, food center, clinic, etc. Maluwag ang kuwartong napili ni Erman para sa kanya. Exclusive room pala iyon ni Erman. Kaya pala may mga gamit sa loob.
“Bakit dito?” tanong niya sa binata.
“Ang mga bakanteng kuwarto for girls ay walang personal toilet and bath room. Maliit din ang space. Dito, puwede kang magluto. Parang nasa loob ka lang ng sarili mong bahay,” anito habang pinapalitan ang sapin ng mga unan, maging kobrekama.
“Thank you, Erman,” aniya, titig na titig sa binata.
Lumingon sa kanya si Erman. Natigilan ito. In an unexpected moment, their eyes met, staring each others intently. Her heart instantly founding so hard, as if she could hear the rhyme. Itong si Erman naman ay nilagkitan pa ang titig sa kanya, na para bang gusto siyang higupin padikit dito.
Kumislot sila pareho nang may kumatok sa pinto. Siya na lamang ang nag-atubiling buksan ito. Bumungad sa kanya ang matamis na ngiti ng matandang babae na mataba. May pasan itong patong-patong na mattress, may malaking paper bag pang bitbit sa kaliwang kamay. Tinulungan na niya ito.
“May iuutos pa ho ba kayo, sir?” tanong ng ale kay Erman.
“Ah, wala na po, Nana Linda,” sagot naman ni Erman.
Tinandaan kaagad ni Rena ang pangalan ng ale. Panay naman ang sulyap nito sa kanya, tila kinikilatis siya.
“Dito na po ba siya titira, sir?” pagkuwan ay tanong ng ale.
Hinarap naman siya ni Erman. “Yes, for temporary,” sagot nito. “Siya pala si Rena Natsuki. Na-rescue namin siya mula sa mga masasamang bampira.” Pagkuwan ay pinakilala siya nito sa ale.
Nakangiting nilapitan siya ng ale. “Tawagin mo akong Nana Linda, hija. Ako ang katiwala rito sa rest house. Kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako,” anito.
“Thanks po. Pero hindi n’yo naman po ako kailangang pagsilbihan. Lahat naman po tayo rito ay survivor.”
“Oo nga. Pero sabi ni Sir Erman ay bantayan kita,” anito.
Marahas siyang lumingon kay Erman. Busy na ito sa pag-aayos ng kama. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang isipin.
“Sige, hija, maiwan ko na muna kayo,” pagkuwan ay paalam ng ale.
Tumango lamang siya.
“Maaga ako bukas para kuhaan ka ng dugo. You may take a rest. And if you’re hungry, just go to the food center. I’ll register your name to the admin office and you can take your meal stub to the food center,” habilin ni Erman, nang maayos na nito ang higaan niya.
“Okay.” Sinundan niya ito hanggang sa pinto. Deretso ang lakad ng binata, ganoon din ang pagsunod niya.
Mamaya ay bigla itong huminto at humarap sa kanya. Nagkagulatan sila. Pero higit siyang nagulat nang sumikdo ang puso niya pagkalapat ng mga kamay nito sa makikinis niyang braso. Humigpit ang kapit nito roon kaya nanuot ang init sa kaniyang laman. Nagkatitigan sila nang ilang segundo. Pansin niya ang madalas na pagtaas-baba ng Adam’s apple nito.
“Uh… mag-fasting ka ng twelve hours before I take your blood sample tomorrow,” sabi nito.
Tumango lamang siya. Pinakawalan naman siya nito saka tuluyang umalis. Isinara naman niya ang pinto ng kuwarto.
Nag-explore na lamang siya sa kuwarto. Hindi naka-lock ang living room kung saan huling lumabas si Erman. Pumapasok pa pala si Nana Linda, pabalik-balik dahil nagdadala ng stock sa kanyang kusina.
“Akala ko naman walang girlfriend si Sir Erman,” bigla’y sabi ng ale nang tulungan niya ito sa pagsasalansan ng grocery item sa cabinet sa kusina.
Nagulat siya sa sinabi nito. “Sino pong girlfriend,” curious niyang tanong.
Nagtatakang tumitig sa kanyaa ng ale. “Ikaw, hindi ka ba niya girlfriend?”
Biglang uminit ang mukha niya. “No, I’m not his girlfriend,” amuse na sabi niya.
“Sus. Huwag ka nang mahiya, halata naman, eh.”
Napangiwi siya. May pagkatsismosa rin pala itong matandang ‘to. Pero naaaliw siya sa kadaldalan nito.