"Rise and shine! Good morning kuya!" Nakangiting bati ni Aya.
Bitbit niya ang isang box ng cookies at isa pa niyang kamay ay shoe box naman na laman no'n ay ang kuting na si Natasha. Sa paanan naman niya ang alaga niyang aso na si Betchay.
Walang klase pero maaga siyang nagising dahil nag bake siya ng cookies.
Maaga rin naligo at nagpaganda. Nag lip gloss siya at naglagay ng pulbo sa mukha. Hindi na kailangan maglagay ng blush on dahil likas ng pinkish ang pisngi niya.
Suot rin niya ang paboritong hello kity shirt at puting short na naglantad sa makinis niyang legs na sabi ng marami ay best asset daw niya.
Nakita nga niya kung paano natigilan si Yuan nang mapatingin sa legs niya na tila tuluyan ng nagising ang diwa. Pagbukas kasi nito sa gate ay mukha pa itong inaantok.
Actually, may kailangan siya kay Yuan. May project kasi siya. Kailangan i-drawing ang Banaue Rice Terraces at lagyan ng essay kung ano na ang kalagayan ngayon ng nasabing heritage. Sinubukan niyang i-drawing pero parang kanal ang kinalabasan.
Pwede naman na kay Isaac nkya ipagawa pero chance na niya ito na makalapit kay Yuan na mayroon lihitimong rason.
Nang malaman kasi niya ang buong pangalan ni Yuan ay kaagad siya nag research sa social.
Wala yatang legit account si Yuan dahil halos inisa-inisa na niyang buksan kahit ang account na may nakalagay na 'Works at Krustykrab' ngunit wala siyang napala. Lahat ay pawang fan made account lang.
Pero infairness marami siyang nalaman tungkol sa binata. Napag-alaman niya na isa pala itong animator. At ito ang nasa likod ng isang kiddie cartoon show na pinapalabas tuwing umaga sa isang sikat na network.
Dati din pala itong naging model ng isang sikat na men's jeans kaya maraming nagkalat ng mga larawan nito na naka jeans lang at wala pang itaas.
Napaka yummy ng katawan nito. Makatulo-laway ang abs Nalaman din niya na may tattoo itong flame design na nasa dibdib nito. Ayaw niya sa taong may tattoo. Big no! No! Sa qualification niya iyon. At nasira na naman ni Yuan ang criteria niya.
"Nagising ba kita, kuya?"
"Actually, yes."
Siya naman ang natigilan sa kaprangkahan ng kaharap.
"Sige bumalik ka na sa pagtulog, tanggapin mo na lang 'tong dala kong cookies. Ako ang nag bake niyan. " May pagmamalaki sa huli niyang tinuran.
"Thank you, Aya." Anito.
"Kuya, 'pag gising mo ba mamaya, 'di ka busy?"
"Why?"
"Kasi may ipapa-drawing sana ako kuya."
"Hindi ako marunong mag drawing."
"No way! Alam kong magaling ka po. 'Di ba ikaw ang may gawa ng The Children - " Natuptop niya ang bibig.
"Are you stalking me?"
"Slight lang kuya!" Napakamot siya sa ulo. Nahiya.
"Ano bang ipapa-drawing mo?"
"Banaue Rice Terraces lang kuya."
"Hindi mo kaya?" Nagulat ito.
Tumango siya. "Promise sinubukan ko, pero 'di ko talaga kuya. Hangga't maari ayaw sana kitang maistorbo, pero kung busy ka talaga wala akong magagawa." Pinalungkot niya ang mukha.
"Kailan ba ang deadline?"
"By monday na." Masigla niyang sagot. Nagkaroon ng pag-asa.
Tumingin sa relong pambisig si Yuan. "Sige ngayon na lang natin gawin, may pupuntahan kasi ako mamaya."
"Hindi kuya, baka kasi busy ka or inaantok ka, pwede ko naman sa iba ipagawa."
"Kung 'yan ang gusto mo."
Gusto niyang batukan ang sarili. Wrong move!
"Joke lang pala kuya, wala pala akong kilala na magaling mag drawing."
Bahagyang napangiti si Yuan. Napailing. "Then pasok ka."
Sumunod siya sa binata. Bumungad na naman sa kanya ang magulo nitong bahay. Mabuti na lang talaga mabango pa rin ang bahay nito kahit makalat.
Pumuwesto sila ni Yuan sa lamesa ng dining area nito dahil iyon lang yata ang sulok na walang kalat. Si Betchay ay kaagad naghanap ng maaring pagpuwestuhan para makahilata na naman.
"Kuya, nakapag breakfast ka na ba?"
"Hindi pa."
"Gusto mong ipagluto kita?" Swear! Magaling siya magluto. Lagi kasi siyang nagpapaturo sa kusinera nila. Passion na talaga niya ang magluto at kumain.
"Magtitimpla na lang ako ng coffee." sagot ni Yuan habang nilalabas ang mga gamit nito sa pag guhit.
"Then! Ako na gagawa ng kape mo!"
Mabilis siyang tumayo. Naghalungkat sa kusina nito. Hindi naman siya nahirapan dahil nakita naman kaagad niya ang mga kailangan. Sampung minuto lang marahil ay bitbit na niya ang umuusok na kape. Sinamyo pa niya iyon bago binigay sa binata.
"Ayan na kuya, masarap akong mag timpla ng kape!"
"Sure?" Tumikhim si Yuan. Tumango-tango na tila binibigyan ng score ang lasa ng kape. "Masarap." Komento nito.
"Siyempre ako pa!"
Ngitian lang siya nito.
Ilang sandali pa ay tumutok na si Yuan sa pag guhit. At siya naman ay walang ibang ginawa kundi tumunganga at mag ilusyon sa harap nito.
She made a triangle shaped using her hands. At tinutok iyon kung saan mukha lang ni Yuan ang makikita sa butas ng nasabing hugis.
Perrfect! Kahit kailan hindi siya magsasawa sa pagtitig ng mukhang 'yon.
"What are you doing?" Napuna marahil ni Yuan ang ginagawa niya.
"Wala, ipagpatuloy mo lang ginagawa mo kuya." aniyang patay malisya.
Iyon nga ang ginawa ni Yuan.
"Kuya, ano bang ideal girl mo?" Pang-iistorbo naman niya.
"Sexy and mature."
"Opposite of me? Ayaw mo ba sa mga cute and charming at mas bata pa sa'yo?"
"No."
"Kahit kasing cute ko?"
Tumango si Yuan. May pigil na ngiti sa labi.
"So kapag sinabi ko na gusto kita, meaning wala akong pag-asa?"
"I'm sorry, sweetheart. But I don't like girls who still wears a baby bra."
Napatayo siya. Namumula ang mukha sa inis. "Eh, paano kung dumating ang panahon na magugustuhan mo ko?"
Napahalakhak si Yuan. "Impossible!"
"Kuya Yuan! Mark my word, I will be your bride someday!"
"You shouldn't like me, I told you, I'm no good sweetheart."
"Bigyan mo naman ako ng pag-asa! 'Wag mo na lang tingnan ang edad ko. Alam mo ba kung ano'ng mga sacrifices ko? Kahit hindi ako early person, gumigising ako ng madaling araw para makita ka lang. Gusto kong sabunutan ang mga sexy nga pero mukha naman hindi mga fresh na kasama mo, pero hindi ko magawa dahil....dahil natatakot ako sa kanila, kasi ang tatangkad nila! Tapos nakita ko rin iyong mga loveletters ko sa'yo na nilalagay ko sa mailbox mo, pinatatapon mo lahat! At si Betchay! Nagkandatusok dahil kasalanan mo!"
Tiningnan lang siya ni Yuan na puno ng pagkaaliw.
Muli pa sana siyang magsasalita nang matigilan. Ni recall sa utak ang lahat ng sinabi niya. At talagang nanumbat pa talaga siya? Saan kaya siya humugot ng kapal mg mukha sa mga walang kwentang pinagsasabi niya?
Nakakahiya!
"Kuya...." Tinakpan niya ng palad ang mukha.
Tuluyan na naman napahalakhak si Yuan na lumapit sa kanya. Niyakap siya nito para aluin mula sa pagkapahiya.