Chapter 5: The Night

1271 Words
Nangangalay na ang paa ni Aya dahil sa suot na heels pero kailangan poised pa rin at may nakahandang ngiti sa labi para sa mga dumadating na bisita. Sa mga ganoong event kasi mas lalong lumalabas ang pagiging perfectionist ng kanyang ina. Gather for a cause naman ngayong ang temang napili ng ina para sa susunod na pupunduhan nitong charity event. Sa madaling salita gatherings iyon ng mga alta sa syudad kung saan ang malaking halaga ng binabayad sa registration para makapasok sa venue ay mapupunta sa charity works. Pero napapaisip din siya kung paanong hindi napapagod ang inang si Divine sa pag ngiti sa mga bisita gayong sa lahat ng mga nakakaharap nito na may magagandang postura at pulidong make up ay iilan lang do'n ang sinsero at totoo. Hindi naman siya nagdududa na may naibubulsa ang ina sa fund raising na ginagawa nito dahil may transparency naman ito sa bawat naitutulong nito bagay na hinahangaan din niya sa ina. "Ate, Upo lang muna ako." Bulong niya sa kapatid na si Atasha. Kasama ito ng kanyang ina sa pagbuo ng event na iyon. Wala naman ang isa pa nilang kapatid dahil kasalukuyan na nasa New York for a fashion show. "Sure Aya. Kami na ni Mommy ang bahala sa pag welcome. Humanap ka na lang din ng mapaglilibangan mo." Ngumiti siya sa nakakatandang kapatid. Alam nito na ayaw niya sa mga ganoong event. Ang ate Atasha niya ang nagpupuno sa pagkukulang ng kanilang ina sa kanila. Ito lang ang nagtatanong kung kumusta ba ang araw niya sa school o kung gutom ba siya. Minsan ito din ang umaattend ng school meetings niya. Her sweet big sister was a like a n angel to her. Pumuwesto siya sa pinakasulok kung saan kita pa rin ang entrance para makikita pa rin niya kung hinahanap na siya ng ina. Kating-kating na siya sa mukha niya dahil sa make up na pinasadya pa ng kanyang ina sa beautician nito. Very light lang naman ang make up na bumagay naman sa mukha niya pero nasanay kasi siya na pulbo lang at lip tint ang nilalagay sa mukha. Hindi din siya komportable sa suot na kulang na lang talaga tiara at korona para magmukha siyang si Sofia the first. Mas gugustuhin pa niyang tumambay sa puno sa harap ng bahay ni Yuan na kahit hindi man ito lumalabas ay alam niya na laman no'n ang taong mahal niya. Mahal? Strong word 'di ba? Pero hindi naman pwede ihambing lang sa crush o puppy love ang nararamdaman niya. And speaking of Yuan, nasayang lang ang effort nito sa pag drawing ng project niya dahil hindi tinatanggap ng teacher niya, masyado daw professional ang pagkakagawa kaya ang ending ay kay Isaac siya nagpa-drawing na alam niyang tulad niya ay sablay din sa pagdrawing. Wala ng question pa tinanggap kaagad ng teacher niya. At ang drawing ni Yuan naka frame na ngayon at nakadisplay sa kuwarto niya. "Aya!" Paglingon niya ay nakita niya si Isaac na nakatuxedo at papalapit sa kanya. Lahat yata ng babaeng nadaanan nito ay napapalingon dito. Well, gwapo naman talaga ito at mukhang artistahin. Sa katunayan ay first crush niya ito na agad din nabura nang makita niya ang star player sa basketball team ng school niya at sinundan pa ng top one sa klase niya na naging crush din niya hanggang sa dumami na. "Kuya Isaac! Mabuti naman nandito ka. Please umuwi na tayo." Tila nakakita siya ng kakampi sa event na iyon. "Sorry, sweety pero alam mo naman na isa ako sa mga sponsor sa event na 'to." sagot nito na humugot ng upuan sa tabi niya. May inilapag itong maliit na box sa harap niya. "What's that kuya?" "Regalo ko sa'yo." "Talaga!" Excited niya iyon binuksan para mapa-wow sa magandang gold na bracelet na tumambad sa kanya. Alam niyang mamahalin iyon. Kahit walang okasyon ay binibilhan siya ni Isaac ng regalo. Pero parang sumobra naman yata ngayon. Madalas kasi stuff toys lang natatanggap niya mula dito. This time...napakamot siya. "You like it?" "Yes, tulad din ng sa'yo kuya." Puna niya sa suot din nitong bracelet. "Yes." Tumango-tango si Yuan na ito mismo ang naglagay ng bracelet sa braso niya. "Excuse me." Pareho silang napalingon sa tumikhim na iyon. "Hello there Isaac." bati ng ubod ng gandang babae na naka suot ng elegant red dress. "Oh! Hello Yoana, I'm glad you came." Tumayo si Isaac at magiliw na nakipagkamay sa babae. Napanganga si Aya. Oo, maganda ang ate Atasha at Ariane niya pero hindi niya alam akalain na may mag-e-exist na tao na kasing perpektong ng mukha ng kaharap niya ngayon. Matangkad ito sa pangkaraniwang babae. May magandang hubog ng katawan at may mala-sutlang kutis. Diyosa. Para tuloy gusto niya magpa fill up sa slambook sa babaeng kaharap. "By the way Yoana, this is Aya. Aya this Yoana Galvez." Pakilala ni Isaac sa kanila. Oh! Galvez din? Ka apelyido ni Yuan. Naniniwala na siya na ang may mga apelyidong Galvez ay mga bukod na pinagpala. "Nice to meet you Yoana." Tinanguan lang siya ng babae. Ilang sandali pa ay inagaw na nito ang atensyon ni Isaac. Hindi na rin niya maiintindihan ang pinag-uuspan ng dalawa. Basta tungkol sa negosyo. Sa unang pagkakataon ay tila nakalimutan ng Isaac ang presensya niya. Ni hindi nito namalayan ang pagtayo niya at paglakad palayo. Sa garden siya dinala ng paa. Konti lang ang mga tao, marahil ay tulad niya ay ayaw rin makipagplastikan sa loob. Uupo na lang sana siya nang matigilan sa pamilyar na pigura ilang dipa lang ang layo sa kanya. Kinurap-kurap niya ang mata. Dinadaya pa siya ng paningin niya? Pero ang taong naninigarilyo habang nakatingala sa mga bituin ay walang iba kundi si... "Kuya Yuan!" sigaw niya nang makasigurado. Mabilis niya itong nilapitan. Nang makita siya nito ay agad nitong tinapakan ang sigarilyo. "Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya habang pinipigilan ang sarili na mapangsinghap sa suot nitong gray suit na hindi nakabutones at may itim na panloob na pinaresan din ng itim na converse shoes. She knew he was trying his best to suits in the occasion pero lumabas talaga pagiging rugged nito at nagustuhan naman niya. "Ginawa akong escort ng kapatid ko dito." sagot nito. "Kapatid? Yoana ba ang pangalan kuya?" "Yes." "Na meet ko siya kuya, sobrang ganda niya! Idol ko na siya ngayon." "Ikaw ano ginagawa mo dito?" "Founder kasi si mommy ng Chen Foundation." "Chen?" Tumango siya. "You mean, you're the daughter of Divine and Aaron Chen?" "Ako nga, actually tatlo making magkakapatid na babae, magaganda mga kapatid ko pero ako 'yung cute." Bumungisngis siya sa huling sinabi. "Yeah, charming indeed." sang ayon ni Yuan habang titig na titig sa mukha. "Parang gusto kong hiramin ang mukha 'yan para gawing anime o character hero ng Isang online games." "Gusto ko 'yan kuya!" Ngumiti lang si Yuan. Tumingala sa mga bituin sa langit. Pagkaraa'y narinig niya itong napabuntong-hinga. "Kuya..." "Sino mag-aakala na ang batang makulit na pumupunta sa bahay ko ay anak pala ng isa sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa." "Makapangyarihan? Siguro nga tama ka kuya, pero bakit pakiramdam ko helpless ako palagi?" Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga. Pero muling pinaaliwalas ang mukha. "Kuya, buti na lang nandito ka. Sobrang saya na ng gabi ko." "C'mon!" Inabot ni Yuan ang kamay niya. "Wait lang kuya, saan tayo pupunta?" tanong niya habang hila na siya nito. Sa parking lot ang tungo nila. "Kanina pa kita lihim na tinatanaw, As I can see you're not comfortable with this kind of occassion. Dadalhin kita sa lugar kung saan hindi ka maiilang." "Kuya, makasama lang kita sapat na." Hirit niya na nakapikit sa takot na makutusan nito. Naka peace sign din siya. Imagine! Tinitingnan daw siya nito kanina pa. Hindi niya maiwasan kiligin. "Silly." Napangiti si Yuan. "Kuya!" Na excite siya nang sinuot nito sa ulo niya ang helmet. First time niyang makasakay ng motor. "Hold on tight, Aya." Ginawa nga niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD