Sa labas pa lang sila ng nasabing frat house, ingay na ang sumalubong sa kanila. Mukhang maraming tao sa loob, dahil maraming sasakyan sa labas ng bakuran na naka-park. Ang ilaw, kumikislap. Ang bass ng musika, ramdam hanggang sa semento. “Sumunod ka sa amin, Aila,” saad ni Kenzo sa kanya na nauna na sa paglalakad, habang nakapulupot pa na parang sawa si Raven sa katawan ni Kenzo. At halata namang tuwang-tuwa si Kenzo sa pagkakadikit ng katawan ng dalawa. Ang kamay ni Raven, nasa dibdib ni Kenzo. Ang mga daliri, gumagapang. Tahimik siyang sumunod sa dalawa. Halos tumakbo pa nga siya para hindi mahiwalay sa mga ito. Iba kasi ang vibes sa kanya ng bahay at ng mga taong namataan niya roon. Isama pang frat house iyon—meaning, fraternity. Iyon. Mga kabataang mahilig sa gulo dahil alam na ma

