“Baka naman Aila, masyado kang mag-enjoy sa pagsama-sama mo kay Sir Kenzo at mapabayaan mo ang pag-aaral mo. Huwag mo naman akong ipahiya sa Don. Tiwala din siya sa iyo na magtatapos ka ng pag-aaral mo at magiging personal nurse ka niya,” litanya ng Tiyahin nang makita siya nitong nag-aayos dahil aalis sila ni Kenzo ngayong gabi. Trabaho na niya ang samahan ang amo saan man ito magpunta. Dahil bayad siya ng Don at bayad din siya kay Kenzo. “Huwag po kayong mag-alala, Tiyang. Hindi ko po pababayaan ang pag-aaral ko. Goal ko po ang makapagtapos ng pag-aaral,” tugon niya sa Tiyahin. Hindi na lang niya binanggit pa na wala siyang planong manilbihan sa Don panghabang-buhay. May sarili na siyang plano pagka-graduate niya at hindi na iyon mababago pa. “Dapat lang, Aila. Nakakahiya naman s

