“Utos po ng Don na bantayan ko po kayo dito sa University at sa mga lakad niyo po kasama ang mga barkada niyo, Sir Kenzo,” saad sa kanya ng batang kasambahay nila sa mansyon.
Pagbalik niya galing America para makasama ang Mama niya, nadatnan na lamang niya ang batang kasambahay sa mansyon. Nabanggit ng kanyang Lolo na pamangkin daw ito ng isa sa mga kasambahay nila roon, at tinutulungan daw ng Lolo niya ang batang kasambahay para makapagtapos ng pag-aaral.
Hindi na rin niya kinagulat pa nang malamang sa De La Cerna University rin pumapasok ang kasambahay nila kung saan din siya nag-aaral. Sa ilang beses pa lamang niyang na-encounter ang batang kasambahay nila—na nakalimutan na niya kung ano ang pangalan—masasabi niyang may itsura ang babae. At bata pa talaga. Pero hindi naman nalalayo marahil sa edad niya.
Kung titignan ito, hindi mo aakalaing isang kasambahay lamang ito, dahil bukod sa maganda ito, may makinis din itong kutis na hindi nalalayo sa mga babaing anak-mayaman. Matangkad ito at may petite na pangangatawan na bumagay sa maamong mukha nito. Walang mag-iisip na isa itong kasambahay sa ganda ng mukha nito. Sadyang hindi lang pinalad ang babae na magkaroon ng maykayang pamilya, kaya kahit sa murang edad nito, nagtatrabaho na ito. Hindi ito maselan dahil kahit ang pagiging katulong ay pinasok nito.
“Pasensya na po, Sir Kenzo. Sumusunod lang po ako sa gusto ng Don,” saad nito sa kanya. Ang boses, mahina. Hindi nanginginig, pero halatang pinipigil ang kaba.
“Magkano naman ang binayad sa iyo ng Lolo ko?” tanong niya sa dalaga. Nagyuko ito ng ulo, marahil nahihiya dahil pera ang usapan dito. Hindi naman na siya magtataka kung masilaw ito sa kakaunting barya, dahil nga galing ito sa hirap.
“Ang Lolo niyo po ang nagpapa-aral sa akin, Sir Kenzo,” tugon sa kanya ng babae nang mag-angat ito ng ulo. Tinignan siya nito sa mga mata. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito. Baka iniisip nito na kinakawawa niya ito. Ang mga mata nito, malaki. Kulay kape. Walang make-up, walang arte, pero may lalim.
“Okay. Ano ba ang utos sa iyo ng Lolo ko?” tanong niya at pinagsalikop ang mga kamay sa harapan at hindi inalis ang mga mata sa kaharap. Hindi na siya magtataka pa kung bakit pinag-aksayahan ng panahon ni Jeremiah ang babaing nasa harap niya ngayon. Maganda naman kasi talaga ito. Iyong tipong hindi ordinaryong ganda kundi unique at natural. Karamihan kasi sa mga babae ngayon, makakapal ang make-up at kung anu-ano ang nasa mukha para lang masabing maganda. Pero ang babaing nasa harapan niya ngayon, wala kahit anong make-up sa mukha. Wala din kahit anong accessories, kahit hikaw man lang, wala itong suot. Sadyang natural ito at masasabi niyang may malakas na appeal ang babae. Iyong tipong hindi na nito kailangang magpakita ng cleavage or more skin. Sapat ang magandang mukha nito.
“Nais po ng Don na samahan ko kayo, Sir Kenzo, para po magabayan kayo at hindi po maligaw ng landas,” tugon nito sa kanya.
Hindi niya napigilang matawa sa sagot nito. Na para bang naliligaw na siya ng landas. Well, aware siya sa nangyayaring pagbabago sa kanya mula nang maghiwalay ang Mama at Papa niya. Marami siyang ginagawa ngayon na dati naman niyang hindi ginagawa. Tulad na lamang ng pagsali niya sa isang fraternity na siya pa mismo ang nag-leader. Ginawa pa niyang frat house ang iniwang bahay sa kanya ng kanyang Mama na nasa Europe ngayon, mag-isang namumuhay dahil sa walang paninindigan ang kanyang ama at hindi nito naipaglaban ang kanyang Mama sa pagmamalupit ng Don.
Mahilig magmanipula ang Don at ang tanging gusto nito ay ang mga taong sumusunod dito at may pakinabang dito. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit pati si Aila, ginagamit na rin nito.
“Sir Kenzo, isa lang po akong katulong sa mansyon at aaminin ko pong malaking bagay na po sa akin ang bayad ng Don para po sa pag-aaral ko,” saad nito sa kanya. Ang mga daliri nito, magkabilot sa laylayan ng lumang blouse.
“I understand you…” natigilan siya. Hindi kasi niya maalala ang pangalan ng babae. Ang pangalan, dumudulas sa isip niya tuwing sinusubukan niyang alalahanin. “What’s your name again?” he asked.
“Aila po, Sir Kenzo,” tugon sa kanya ng babae na napaka-inosente ng mukha, pati ng pananalita nito. Malayong-malayo sa mga babaing nakakasalamuha niya. Ang mga iyon, puro laro. Ito, parang laging may tinatago. O baka takot lang talaga.
“Aila. Okay. Nice name,” he said. May sasabihin pa sana siya nang mamataan na paakyat ang grupo ni Raven—ang girlfriend of the month niya na siyang kalaro niya ngayong buwan. Nais na nga niyang makipaghiwalay dito at kumukuha lang siya ng tiyempo. Ang Kuya kasi nito na si Ryan ay isa din sa leader ng kanilang fraternity at baka mapaiyak niya si Raven, tiyak na magkakagulo rin sila ni Ryan. Mukha pa namang mahirap banggain ang tulad ni Ryan, pero hindi naman ibig sabihin no’n hindi na niya hihiwalayan pa si Raven.
“Kenzo!” kunot-noong tawag sa kanya ni Raven. Nakabuntot na naman dito ang dalawa nitong alalay na kung uto-uto rito. Ang mga takong ng tatlo, maingay sa semento ng rooftop.
“What are you doing here?” tanong sa kanya ni Raven at napasulyap kay Aila na napalingon sa grupo. Nakita niya kung paano tignan ng tatlong babae si Aila mula ulo hanggang paa. Sa uri pa naman ng pananamit ni Aila, malayo na sa klase ng pananamit ng tatlo. Masyado pa rin kasing probinsyana ang datingan ng pananamit nito. Isama pang halatang luma at maraming beses nang naisuot nito ang damit. And also, pansin niya agad na hindi branded ang suot nito, iyong tipong nabibili lang sa bangketa. Ang maong nito, kupas na sa tuhod. Ang sapatos, pudpod ang sakong.
“Who is she?” sunod na tanong ni Raven at humakbang palapit sa kanya habang hindi pa nito inaalis ang mga mata kay Aila. Ang kuko ni Raven, pulang-pula. Mahaba. Matulis.
Sinulyapan siya ni Aila at naghihintay ito sa isasagot niya. Ang mga mata ni Aila, walang demand. Pero may tanong. Sasagutin ba niya? Ipagtatanggol ba niya?
“Estudyante siya rito. Siya si Aila,” pakilala niya kay Aila. Tipid. Walang dagdag. Walang bawas.
“I don’t care! What is she doing here with you? Bakit kayong dalawa lang ang narito?” maarteng tanong ni Raven sa kanya na sinundan pa ng bulungan ng dalawang alalay nito sa tabi ni Aila habang minamata ang dalaga. Ang isa, tinakpan ang bibig pero dinig pa rin ang tawa.
“Kailangan ko pa bang ipaliwanag sa iyo iyan, Raven?” inis niyang tanong dito at hindi tinago ang pagka-yamot. Wala naman siyang pakialam kung magalit ito o magselos ito dahil nadatnan siya nitong may kausap na babae. In fact, wala siyang pakialam sa damdamin nito. Lalo na’t tapos na siya rito. Nais na niyang maghanap ng bagong makakalaro.
“Oh… Kenzo,” bigla ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Raven. Kung spoiled brat ito at sanay na nakukuha ang gusto at napapaikot nito ang mga tao sa paligid nito, well, iba siya. Wala siyang pakialam dito o kahit na kanino pa. Mas sentro niya ang sarili niya. Ang mundo niya, siya ang araw.
“I’m sorry, babe, kung nainis ako,” paumanhin sa kanya ni Raven at hinaplos pa siya nito sa pisngi. Ang pabango nito, masakit sa ilong. Matamis at matapang.
Agad naman niyang inalis ang kamay nito sa pisngi niya at umatras para iwasan ito. “May klase pa ‘ko,” he said at kumilos na para iwan si Raven at grupo nito.
“Kenzo, wait,” pigil sa kanya ni Raven at hinabol pa siya nito. “May party si Kuya mamayang gabi. Yacht party. Sunduin mo ‘ko,” pagpapa-cute sa kanya ni Raven. Ang boses, pilit pinalambot.
Humugot siya ng malalim na paghinga at sinulyapan si Aila na nakatingin sa kanya. Ang mukha ni Aila, walang mababasa. Hindi nagmamakaawa. Hindi nakikialam. Nakatingin lang. Parang nanonood ng palabas na hindi niya gustong panoorin.
“Magkita na lang tayo sa party,” tugon niya kay Raven saka nagtuloy sa paglalakad pababa ng hagdan. Wala siyang pakialam sa girlfriend niya, eh hindi naman siya seryoso dito. Nakikipaglaro lang naman siya and also naglilibang lang.
Iniwan rin niya si Aila sa tatlo. Bahala na ito kung paano malulusutan ang pagka-maldita ni Raven at mga alalay nito. Ang huling tingin niya kay Aila, nakatayo lang ito. Tuwid ang likod. Walang imik. Parang sanay na sa pag-iiwan.
Habang pababa siya ng hagdan, hindi niya maiwasang makaramdam ng inis sa Lolo niya dahil sa kawalan nito ng tiwala sa kanya, at kinailangan pa nitong ikuha siya ng yaya para bantayan siya. Yes, lately, he is acting weird, but still he is aware sa kanyang actions. Hindi naman niya hinahayaan na maging patapon ang kanyang buhay. Nais lang niyang ipakita sa Don at sa kanyang Papa na bata pa rin siya at kailangan niya ang kanyang Mama.
Everything changed nang umalis ng mansyon ang Mama niya. Sobrang lungkot at nawalan ng kulay ang mansyon. Hindi pa malinaw sa kanya ang lahat, dahil hindi naman sinasabi ng kanyang Mama ang totoo sa tuwing nagtatanong siya. Sa mansyon naman, pinagbawalan siyang banggitin ang pangalan ng kanyang Mama at mag-usisa sa nangyaring paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
His life before was so perfect. Namulat siya sa magandang pamilya. Nagka-isip siya at lumaki sa gabay ng kanyang Mama na puno ng pagmamahal. Until nag-decide ang Papa niya na lumipat na sila ng mansyon kasama ang Lolo niya. Doon na nagsimula ang paunti-unting pagbabago sa pagsasama ng kanyang Papa at Mama, until isang araw nagising na lamang siyang broken family na ang dating masaya at perfect niyang pamilya.
Hindi pa naman nagtatapos dito ang lahat. Soon, aalamin niya ang tunay na dahilan ng Don kung bakit tila ito ang may kasalanan sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang.
“Ano siya? Yaya? Secretary? Personal maid?” bulong na tanong niya sa sarili nang makababa na ng rooftop at tumingala siya. Hindi pa nakasunod sa kanya si Aila. Paniguradong ginigisa na ito ng grupo ni Raven.
At least ngayon pa lang, alam na nitong hindi madali ang trabahong pinasok nito. Hindi ito laro. Hindi ito basta suweldo.
At si Aila, mukhang hindi pa handa sa kung anong gulo ang pinasok nito