Iniwan siya ni Kenzo sa tatlong babae na kung tignan siya ay para lamang siyang basura sa paligid. "Huwag na tayo mag aksaya ng oras sa kanya, hindi ganyan ang mga tipo ni Kenzo," maarteng saad ng isa sa tatlong babae. Hindi niya alam ang pangalan ng dalawang iba pa, basta iyung isa Raven ang pangalan at girlfriend iyon ni Kenzo, pero hindi iyon ang kasama nitong nag swimming party sa mansyon noong isang araw, ibang babae ang kasama ni Kenzo. Kung ganun womanizer si Kenzo. Kaya hindi na siya magtataka pa kung bakit ganun na lang ang pag-aalala ng Don rito. Nag-iisang apo ito at nag-iisang tagapagmana, baka kung kaninong babae lang ito mapikot. "Well, yeah right," maarteng tugon ni Raven matapos siyang paulit-ulit na tignan mula ulo hanggang paa. Kinakabahan siya at sa totoo lang nais na

