Chapter - 2

1189 Words
Madilim na nang magsialisan ang mga bisita ni Kenzo. Siya na ang inutusan ng tiyahin na maglinis ng kalat sa may pool area. Pagdating niya sa swimming pool, may tao pa roon. Lumalangoy. Sa tingin niya, ang amo iyon. Nakita niya kaninang umalis ang pick-up na sasakyan ng mga bisita nito. Nagdalawang-isip siya kung tutuloy na sa pagliligpit o patatapusin muna ang amo. Naalala niyang marami pa pala siyang gagawin sa kusina pagkatapos. Kailangan na niyang matapos ang swimming pool. Baka magalit na naman sa kanya ang tiyahin dahil mabagal siya magtrabaho. “Tapusin ko na nga ito,” bulong niya at lumapit sa may swimming pool para magligpit. Puro lata ng alak at bote ang nasa sahig. Para bang nagkaroon ng matinding inuman kanina. Pero hindi naman mukhang nagsilasing ang mga ito. Siguro, sanay na sa inuman. Hindi na madaling malasing. “Who are you?” Nagulat siya. Napalingon siya sa likuran. At mas nagulat nang makita ang amo na sobrang lapit sa kanya. Hindi man niya namalayan ang paglapit nito. Napaatras siya sa gulat. Muntik pa siyang matumba. Mabuti na lang at mabilis ang kamay ni Kenzo. Nahawakan nito ang bewang niya para pigilan ang pagbagsak niya. Nakulong sa lalamunan niya ang tili sa sobrang kaba. Nagtama ang kanilang mga mata. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita, basta lang sila nakatingin sa isat-isa. Hindi alintana ang tumutulong tubig mula sa basang katawan nito. Bumabasa sa damit niya habang nakatitig siya sa gwapong mukha nito. Napalunok siya. Hindi niya magawang alisin ang tingin sa mga mata nito. Ngayon lang siya nakalapit nang ganito kagwapo. Ngayon lang din niya napansin ang kulay ng mga mata nito—parang mix ng gray at blue. Depende siguro sa ilaw. Halatang may lahi ito at hindi purong Pinoy. Halata naman sa tangkad at tindig. Malapad ang balikat. Basa ang dibdib. Tumutulo ang tubig pababa sa puson nito. “Are you okay?” tanong nito. Bahagyang gumalaw ang manipis nitong labi. Napakaganda ng hugis. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya maialis ang mga mata. Para na siyang na magnet sa mga ito. “Who are you?” Tanong nito. Mahinahon ang boses pero may diin. Para bang nagpagising sa kanya. “Ah… eh…” hindi niya alam kung paano iiwas. Hawak pa rin nito ang bewang niya. Mainit ang mga daliri nito kahit basa ang katawan. “Ako po si Aila,” tugon niya. Marahil napansin nito na nais niyang umiwas. Kusa na siyang binitawan nito at tinulungan makatayo ng maayos, pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya. Maingat siyang umatras palayo. Hindi man lang gumalaw ang amo para lumayo kahit kaunti. Kahit alam nitong nababasa siya ng tubig galing sa katawan nito. Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. Saka pa lang niya napansin na wala pala itong pang-itaas. Tanging shorts na panligo lang ang suot. Masyado kasi siyang naka-focus sa mga mata nito. Ngayon lang siya nakakita ng ganoong kulay ng mata sa personal. May linya ang tiyan nito. Makinis ang balat kahit basa. “Anong ginagawa mo rito sa mansyon ng mga Fisher?” tanong ni Kenzo. “Isa po ako sa mga kasambahay niyo,” magalang niyang tugon. Nahihiya man, sinabi niya pa rin. Wala namang masama sa pagiging kasambahay. Malinis at marangal na trabaho ito. Isa pa, ito ang nagpapaaral sa kanya. Hindi niya dapat ikahiya. “Ah. Kaya pala ngayon pa lang kita nakita rito sa mansyon,” saad nito. At ngayon pa lang ito umatras nang bahagya. Nakahinga siya nang maluwag. Nabawasan ang kaba niya. “Bakit familiar ka sa mga kaibigan ko?” tanong nito. Hindi yata nito alam na estudyante rin siya sa De La Cerna University. Kung sa bagay, sino ba siya para alamin pa iyon ng amo. “Baka po nakita po nila ako sa university,” tugon niya. “Estudyante ka?” tumaas ang kilay nito. Banayad siyang tumango. “Opo, Sir.” “Ah. Kaya pala,” saad nito. “Iyong lalaki kanina, si JM iyon. Iwasan mo siya kung makita mo siya sa university,” seryoso nitong sabi habang diretso ang tingin sa mga mata niya. “Ho? Bakit po?” kunot-noo niyang tanong. Hindi niya maalala kung sino sa dalawang lalaki kanina ang tinutukoy nito. Basta ang alam niya, parehong may tattoo ang mga kaibigan nito. Si Kenzo, mukhang wala pa. Baka sa susunod, mapupuno na rin ito. “Panganib siya para sa batang katulad mo,” tugon nito sabay talikod. Basa pa rin ang likod nito. Tumutulo pa ang buhok. “Bata? Hindi na po ako bata, Sir,” sabi niya habang sinusundan ng tingin ang amo na kumuha ng tuwalya sa isang upuan. “Bakit, ilang taon ka na ba?” tanong nito nang hindi siya sinusulyapan. Isinampay nito ang tuwalya sa balikat. “Eighteen na po ako, Sir,” tugon niya. “Eighteen ka pa lang pero ang tingin mo sa sarili mo hindi na bata,” saad nito at iniling ang ulo nang sulyapan siya. Parang hindi naniniwala ang tingin. Hindi siya kumibo. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. “Sige na, maglinis ka na riyan,” sabi nito nang manahimik siya. “Opo, Sir,” tugon niya. Sinulyapan lang siya nito bago lumakad palayo. Sinundan niya ito ng tingin habang papunta sa malaking pintuan ng mansyon. Napalunok siya nang bumaba ang mga mata niya sa magandang hubog ng pang-upo ng amo. Bihira sa mga lalaki ang may ganito. Marahil madalas ito sa gym. Mahaba at matipuno ang mga binti. Basa ang shorts at nakadikit sa katawan. “Tigilan mo nga ang pag-iisip ng kung anu-ano diyan, Aila! Maglinis ka na at nang matapos ka na!” sita niya sa sarili. Mabilis niyang pinunasan ang basa sa katawan niya—gawa ng tubig galing mismo sa amo. Dumikit na ang damit niya sa balat. “In fairness, gwapo siya. Para siyang Hollywood celebrity,” bulong niya. Agad niyang sinuway ang sarili. Alam niya ang lugar niya. Hindi siya dapat humanga sa amo. Baka mawalan pa siya ng trabaho. Mabilis niyang nilinis ang swimming pool para magawa na rin ang iba pa niyang trabaho at makapag-aral pa. May exam sila bukas. Hindi niya nais pabayaan ang pag-aaral kahit hindi siya required mag-maintain ng grades. Ang Don mismo ang nagpapaaral sa kanya. Nais niyang galingan. Pagka-graduate, makakahanap agad siya ng trabaho. Hindi na niya kailangan mamasukan bilang kasambahay. Nais niyang may marating sa buhay. Hindi pwedeng hanggang dito lang siya. Kahit mag-isa lang siya, marami siyang pangarap. Pinabayaan na siya ng nag-iisang pamilya niya. Kaya dapat lang na itaguyod niya ang sarili. Patunayan sa ina na kaya niyang iangat ang sarili. Mula nang magkaisip siya, wala siyang nakilalang ama. Sabi nila, bago pa siya ipanganak, patay na raw ang tatay niya. Namulat siya na kasama ang Nanay niya na iba-iba ang kinakasamang lalaki. Hanggang sa nakilala ng Nanay niya ang isang Hapon. Sinamahan nito sa Japan. At tuluyan na siyang iniwan. Ayos lang sa kanya. Basta ang mahalaga, patas siyang lumalaban sa hamon ng buhay. Sabi nga nila, kung pinanganak kang mahirap, nasa sa iyo na iyon kung mamamatay kang mahirap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD