Alam niyang ganito talaga pag mga mayayaman. Party doon, party dito. Actually, hindi lang basta party ang nakikita niya ngayon sa yacht party na ito. Para sa kanya, may pagka-wild ang tema ng party. Kahit pa sabihin na isa siyang probinsyana, alam naman niya ang difference ng party sa wild party. Karamihan kasi sa nakikita niya, mga lalaki at babae na naghahalikan at kung anu-ano pa ang ginagawa. Isa na doon ang amo niya at girlfriend nito. Na kung makatuka sa isa’t isa ay parang wala nang bukas. Para bang sabik na sabik at matagal hindi nagkita, eh mukhang araw-araw naman magkasama ang dalawa. Hindi na rin siya magtataka pa kung bakit inalok siya ni Kenzo ng extra bayad. Dahil paniguradong ire-report niya sa Don ang ganitong activity nito at paniguradong matatakot ang Don. Dahil iniiw

