“Oops, ang prinsipe na ang nagsalita,” saad ni Jake habang nakatingin ito sa kanya. Tumayo na rin sa tabi niya si Kenzo. Marahil para hindi siya matakot o ano pa man. Kahit papaano, nabawasan ang kanyang kaba at takot dahil nasa tabi niya si Kenzo. Ang init mula sa braso ni Kenzo, ramdam niya kahit hindi sila magkadikit. “Sige na, Jake,” saad pa ni Kenzo. Ang boses, kalmado. Pero may talim sa ilalim. “Maswerte ka. Dalawa ang nagpo-protekta sa iyo,” saad ni Jake at sinulyapan si Kenzo na nasa tabi niya. Alam niyang si Jeremiah ang isa sa dalawang tinutukoy nito. Si Jeremiah kasi ang nagtanggol sa kanya kanina mula rito. And now, wala si Jeremiah kaya si Kenzo naman. “P.A. ko siya. Ano man ang mangyari sa kanya while she is on duty with me, ako ang may kasalanan. Ako ang may pananagu

