Chapter 31

1363 Words

Chapter 31 KAHIT maraming tao sa paligid ko ay parang ang tahimik pa rin ng mundo ko. Kahit panay ang tapik nila sa balikat ko ay parang hindi ko man lang iyon nararamdaman. Tumitingin at umaalis pero parang hindi ko nakikita. Hindi ko makuhang kausapin sila nang maayos. Nakaupo ako sa puting plastic na upuan sa harap ng kabaong ni Lola. I stared at her picture. She was smiling. Kahit namugto na ang mga mata ko ay may bumulwak pa ring luha mula sa'kin. Hindi na ata nauubos ang luha ko. Kahit mahapdi na ito at masakit sa ulo. “Ate..” Unti-unting nilingon ko si Adrian sa tabi ko. Kagigising lang niya dahil alam kong puyat din siya. Ito na ang pangatlong gabi ng burol ni Lola. At walang patid ang pagkikiramay ng mga kapitbahay at malalapit na kaibigan ng Lola ko. But I felt so lifeless.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD