Chapter 30 NANGHIHINA at nanginginig ako nang pumara ng taxi mula sa labas ng high end condominium na ito. Nagpahatid ako sa ospital. Hindi ko na alam kung saan siya nagpunta pagkatapos namin gawin iyon. Nagbihis din ako pagkaalis niya. “I doubled the amount. Surprisingly, you're a virgin. How come a gold digger filthy slut is a still a virgin?” Lumandas ang luha sa aking pisngi habang nakatanaw sa labas ng bintana ng taxi. Iyon na pala ang tingin niya sa akin ngayon. Slut? Gold digger? Maruming babae ako sa kanya. Sumakit ang puso ko na parang sinasaksak ng paulit ulit. Sa lahat ba naman ng tao, sa kanya pa. Sa lalaking mahal ko pa. Kay Johann pa. Hindi ko sigurado kung kailan o bakit nagsimula iyon. Mula ba noong pagkikita namin? Nang sinagot ko si Tyler? Ang sakit sakit. Puno