Chapter 17 HALOS hindi ako makatulog matapos ang gabing iyon. Ramdam na ramdam ko pa rin ang mga titig niya, ang haplos niya sa aking baywang at ang init ng labi niya. Lahat ng iyon ay paulit-ulit na bumabalik sa aking alaala. At tuwing naalala ko, ay walang pagsidlan ang ngiti sa labi ko. Madaling araw na nga ako nakatulog matapos n'on. Ewan ko, pero bakit parang gusto ko na naman siyang makita? Ina-anticipate ko pa ang text o tawag niya. Siya na lang palagi ang naiisip ko. Si Johann. Si Johann na lang. Kinaumagahan, kahit na puyat ako ay ang sarap pa rin ng pakiramdam ko at excited ako nang hindi ko mawari. Pagkatapos makapag-ayos ng aking sarili ay lumabas na ko ng kwarto para makapaghanda ng agahan. Dahil sa sabay ang sembreak namin ni Adrian kaya ganitong mag-aala sais na ng umaga