Chapter 42 TININGNAN niya ko. May gulat at pag-aalala sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa'kin. Lumapit siya sa'kin. “H-Huwag kang lumapit!” Siniksik ko ang sarili ko sa pader. Ewan ko. Wala naman akong ideya kung makakalayo ako sa kanya pero ayokong hawakan niya ko. Natatakot ako. Baka ulitin niya ginawa niya kanina. “Aaliyah..” “H'wag kang lalapit! Huwag mo kong hahawakan! Pakiusap, huwag mo kong hawakan..” Nagsisimula na naman na manginig sa takot ang boses ko. Umupo siya para mapantayan ako. He tried to reach me. Pero lumayo ako. “What I have done?” Bulong niya. Halos mapasigaw ako nang buhatin niya ako. Pumapalag ako pero ginagamit na naman niya ang kanyang lakas. He carried me, bridal style. At maingat na inilapag sa kama. Umupo lang ako at mahigpit na hinawakan ang pagk