Chapter 43 TAHIMIK lang ako at nakikiramdam sa byahe namin. Kahit na paminsan-minsan ay naririnig ko ang malalalim niyang paghinga na para bang nagpapapansin ay hindi ko siya dinungaw. Buti na lang at nalilibang ako sa pagtingin sa labas. “N-Nagugutom ka ba? Mahaba-haba pa byahe natin. Gusto mo bang mag-stop over muna tayo sa resto or--” “Drive thru na lang.” Putol ko sa kanya. Sa labas pa rin ako nakatingin. Bumuntong hininga siya ulit at niliko ang sasakyan.”Drive thru then.” Ilang sandali pa ay huminto kami sa drive thru ng isang fast food chain. Narinig ko pa ang sweet voice ng babaeng staff, pero imbes na sumagot si Johann ay nilingon pa niya ko. “Ano'ng gusto mo?” Ayoko sana mamili dahil makakausap ko siya, pero parang wala siyang balak na magdecide sa sarili kaya umorder na