Chapter 44 I ALMOST lost my heart when he hugged me tightly from my back. Sa kabila nang nangyari kahapon, tila may mainit na kamay na humaplos sa dibdib. Init na nagpalusaw ng sama ng loob ko. Ganoong kababaw. He said sorry too. Ganoon ba talaga siya pag nagsosorry at inaamin ang kamalian niya? Mangyayakap siya at saka bubulungan ako. Kung ganoon palagi, madaling malulusaw ang ang pader ng galit ko para sa kanya. Sa kanya lang naman ako naggaganito e. Sa kanya lang. Pagkatapos niyang gawin iyon ay umalis na siya agad sa kusina. Samantalang ako? Naiwang tulala. Bakit? Because he just said sorry to me. He's Johann De Silva. He's cold and ruthless. Kung iyong dating siya, hindi ako magugulat. Pero ngayon, I'd expect that I'll be spending my days here with him being aloof and naive. Per