NAPATIGIL si Corbin nang nasa tapat na siya ng pinto ng kanyang condo kung saan sila nakatira ni Pauline. Alam niya na nasa loob ito at kanina pa naghihintay. Bago siya nagpunta doon ay masaya pa itong tumawag sa kanya upang ipaalam na nagluto ito ng paborito niyang ulam at nag-bake rin ng cake. Hindi na ito nagtanong pa kung bakit ilang araw siyang hindi nakauwi dahil sa uri ng trabaho niya ay sanay na ito na lagi siyang wala. Binagabag siya ng kanyang konsensya. Pinagsisisihan niya kung bakit ginamit niya ito upang makalimutan si Eliza. Pumasok lang siya sa buhay nito upang saktan ito. Buong akala kasi niya ay matutunan niya itong mahalin. Mahalaga rin ito para sa kanya ngunit hanggang kaibigan lang ang nararamdaman niya para rito at hindi na lumagpas pa. Sinubukan niya ang lahat ng par