NAGISING si Eliza nang maramdaman na tila may paro-paro dumadapo sa kanyang buong mukha. Pagmulat niya ng mata ay nahuli niya si Corbin na pinapaliguan siya ng magagaan na halik. Napaka-fresh nitong tingnan dahil bagong ahit at paligo. Nanunuot sa kanyang ilong ang suwabeng amoy ng sabon at aftershave nito. “Good morning, Sweetheart,” malambing nitong bati na agad pinulupot ang kamay sa kanyang beywang. Kinintalan siya ng halik sa labi. “Anong oras na?” Tinanggal niya ang kamay ni Corbin. Bumalikwas ng bangon at tumingin sa sliding door na kaugnay ng terrace. Mula sa likuran ay niyapos siya ni Corbin. Pinatong nito ang panga sa walang sugat niyang balikat. “Pakiusap Sweetheart, manatili ka muna dito. Kalimutan muna natin ang mundo.” Napapikit siya nang maramdaman niya na dumapo ang mai