CHAPTER FOUR

1939 Words
NAKAPANGALUMBABA si Eliza sa kanyang upuan. Akala niya ay makakauwi na pagkatapos ng test ngunit nagpa-meeting pa si Miss Cadayday tungkol sa gaganapin na stage play. Sa ngayon ay pinagbobotohan pa kung sino ang gaganap na Cinderella at Prince Charming. Wala ni isang bumoto sa kanya. Alam kasi ng mga kaklase niya na wala siyang alam sa pag-arte at hanggang props girl lang siya. Sa sports lang siya maaasahan. Kasali siya sa volleyball team. Dalawang beses lang sa isang linggo ang practice. Paano ba naman kasi nag-iisang private school lang sa bayan nila ang kanilang eskwelahan at konti lang ang papulasyon ng mga estudyante. Sa katunayan bawat baitang ay hanggang dalawang section lang. Hindi rin nagpapadala ng atleta para sa division meet or sports competition. Pero bumubuo pa rin sports team dahil naglalaban-laban ang bawat year at section. Tumayo ang muse nilang si Catherine malapit sa blackboard. Ito ang napili na bilang Cinderella. Tumabi ito sa iba pang napili na mga side characters. Si Prince Charming na lang ang hinahanap. “Miss Cadayday, sa tingin ko po babagay kay Corbin ang role na Prince Charming,” sabi ni Catherine. Nakayuko. Namumula ang pisngi. Lihim na tinirik ni Eliza ang mata. Sus, nahiya pa! Lantaran naman pinakita na gusto makapareha ang mortal enemy niya. Ang tanong marunong ba umarte si Corbin? Sa reaksiyon nito ay daig pa natuka ng ahas. Nawalan ng kulay ang mukha nito. Halatang ayaw sa stage play na iyon. “Miss Cadayday!” Tinaas niya ang isang kamay. “Perfect nga si Corbin sa role dahil mukha siyang prinsipe.”…ng mga palaka. “Kung sabagay may punto ka, Eliza.” “Ma’am, hindi po ako marunong umarte. Masisira ko lang ang play.” Angal ni Corbin. “Kaya nga may practice, ‘di ba?” sabat niya. Seryoso ang mukha na sinulyapan siya ni Corbin. Tila ba gusto siya nitong sakalin. Sa halip na matakot ay matamis pa siyang ngumiti rito at nagkibit-balikat. “Ano, payag ka ba, Corbin?” tanong ni Miss Cadayday. “Pumapayag daw po siya, Miss Cadayday.” Siya ang sumagot. Nakita niya na nandilim ang mukha ng kanyang mortal na kaaway pero wala na itong nagawa lalo na nang patayuin ito ni Miss Cadayday para itabi sa iba pang napili sa stage play na iyon. “Miss Cadayday, may nakakalimutan tayo.” Si Corbin. “Ano?” nagtaka na tanong ng terror na guro. “Wala pa tayong wicked stepmother,” sagot ni Corbin na nakatingin sa kanya. Awtomatiko rin na lumipad ang tingin sa kanya ng kanyang mga kaklase.Indikasiyon na siya ang napipisil ng mga ito na gumanap sa naturang role. Maang na tinuro niya ang sarili. No way! Hindi siya sumasali sa mga ganoong activity kesahoda na maapektuhan man ang kanyang grado. At saka kung aarte lang din siya ay ayaw niyang gumanap bilang atribidang bruha. Hindi bagay sa akin ang role! Natigilan siya. Lupaypay. Oo na, inaamin na niya na fit nga siya sa role. Siya naman ngayon ang hindi maipinta ang mukha. Akalain ba naman niya na makakaganti kaagad si Corbin sa kanya. Pumunta rin siya sa harapan. Pumuwesto siya tabi nito. Bagaman nakangiti sa harap ni Miss Cadayday at sa iba pa nilang mga kaklase ay lihim naman niyang sinisiko si Corbin. Hindi ito tumatinag. Deretso lang ang tingin pero nag-igtingan ang mga ugat nito sa leeg. Indikasiyon na naiinis na ito o ‘di kaya ay tiniis lang ang sakit na matusok sa kanyang buto. Nasisiyahan naman na tumingin sa kanila si Miss Cadayday. “Ito ang pinaka-perfect na cast iha-handle ko.” Pagkatapos ay pumalakpak ito. Iyon ang ginagawa nito kapag gusto na silang i-dismiss. “Okay, class. We will practice every afternoon. Right after class ay pumunta na kayo sa gym.” “Paano po ako, Miss Cadayday. May practice ako ng volleyball sa ibang mga araw?” tanong niya. “Ako na bahala magpaalam sa coach mo, total malayo pa naman ang sports event.” Wala na siyang nagawa kundi ang tumango. “Pwede na kayong umalis.” Sumabay si Miss Cadayday sa agos ng mga estudyante na lumalabas sa classroom. Naiwan siya at si Corbin. Mayroon pa kasi siya na gustong saksihan. Huh! Tingnan lang niya! “Corbin. . .” Si Catherine. Nakalabas na ito ngunit bumalik pa. “Yes?” “Maraming salamat pala sa pagtanggap ng role.” Sus! Iyon lang pala ang gustong sabihin, ang dami pang arte! “Welcome,” tipid na sagot ni Corbin. “Ahhh by the way. . .” Hindi tinuloy ni Catherine ang sasabihin bagkus ay tumingin sa kanya. Tila ba gusto siyang paalisin sa classroom na iyon. Sorry na lang ito pero gusto niyang panoorin kung paano ito lumandi sa mahinhin na paraan. Sikat si Catherine sa kanilang school. Top student din ito. Maganda at mabait. Kabaliktaran niya na daig pa ang isang kiti-kiti na hindi mapirmi. Makulit lang siya pero masasabi niya na hindi siya masamang tao. “Yes, Catherine?” Tumikhim ang muse ng kanilang klase. “Baka gusto mo mag-meryenda, i-treat kita.” “Pasenya na Catherine pero mas gusto ko na umuwi ng bahay.” “Ako, gusto ko mag-meryenda. Samahan kita!” Presenta ni Eliza. Tabingi na ngumiti si Catherine. “Naalala ko na may gagawin pa pala ako. Sige mauna na ako sa inyo,” sabi nito na mabilis na nawala sa kanilang harapan. Naiwan silang dalawa ni Corbin sa classroom. Nagpanggap siya na inaayos ang laman ng kanyang bag ngunit lihim naman naman na nakasulyap kay Corbin habang pigil ang hininga. Nakita niya na binuhat na nito ang bag nito ngunit napakakunot-noo nang maramdaman marahil na napakabigat niyon. Awtomatiko na binuksan nito ang bag at mas lalong nalukot ang mata nito sa nakita. Hindi na napigilan ni Eliza na humagalpak ng tawa. Lingid kasi sa kaalaman nito ay nilagyan niya ng maraming mga bato at basura ang bag nito. Nasa football field ang lahat dahil sa P.E subject. Lihim siyang pumuslit para masamang binabalak. “Bye!” nakakalokang sabi niya na sinukbit na ang knapsack. “Wait.” Pinigilan siya ni Corbin sa braso. Kinabahan siya sa seryosong mukha nito. “Bitiwan mo ako!” “Ayusin mo ang laman ng bag ko dahil alam ko na ikaw ang may gawa niyan..” Mahinahon ngunit madiin ang boses na utos nito. “Manigas ka!” Pilit niyang binabawi ang braso ngunit mas lalong humigpit ang paghawak nito. “Ano ba! Bitiwan mo ako sabi.” “Pakakawalan kita kung susundin mo ang sinasabi ko.” “Okay! Paano ko magagawa ang utos mo mahal na hari kung nakahawak ka sa akin?” Nagsukatan sila ng tingin. Pagkaraa’y binitawan siya nito. Sinamantala naman niya ang pagkakataon na kunin ang bag niya at alistong tumakbo ngunit hindi pa man siya nakaabot sa pinto ay naabutan na siya nito. Pinulupot nito ang isang kamay sa kanyang braso. Tila ba isang magaan na bagay lang siya nang buhatin nito pabalik sa gitna ng classroom. “Ano ba!” Piksi niya. Kumuwag para ilapag nito. Ginawa naman nito iyon. “Sabi ko ligpitin mo ang ginawa mong kalat sa bag ko.” “Kaya mo na iyan!” “Isa!” banta nito. Umismid lang siya dito. Hahakbang na sana pero hinarang nito ang katawan. “Padaanin mo ako!” Hindi ito tuminag. Para makadaan ay bigla niya itong tinulak dahilan upang mawalan ito ng balanse. Bago ito bumagsak sa sahig ay nahila siya nito. Nadaganan niya ito. Hindi niya nakontrol ang ulo at nag-landing sa mukha nito. Ang masama pa ay dumikit ang labi niya sa gilid ng labi nito. Pareho silang natigilan. Hindi makahuma. Kapwa pinalakihan ng mga mata. Tila tumigil sa pag-inog ang mundo at wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na pintig ng puso. Naramdaman niyang kumilos ang mukha ni Corbin. Tila ba gusto ng tuluyan na sakupin ang kanyang labi pero natauhan siya at agad na tumayo. Hawak niya ang labi. Hindi pa rin kapaniwala sa nangyari. Oo, gilid lang ng labi pero para na rin silang naghalikan niyon. Ibig sabihin ay si Corbin ang first kiss niya? Sukat sa naisip ay napatili siya ng malakas. Madiin niyang pinahid ang labi gamit ang likod ng kanyang palad. Wala na! Sira na ang pangarap niya na ibigay ang unang halik kay Aaron sa araw ng kasal nila. Naniniwala kasi siya na meant to be sila. “Magnanakaw!” sigaw niya. Pinaghahampas si Corbin, “What?” naguguluhan na tanong nito. “Ninakaw mo ang halik na dapat ay para sa future husband ko!” Sandali itong natigilan pagkaraa’y sumilay ang ngiti sa labi hanggang sa nauwi sa isang malakas na halakhak. “Talagang nagawa mo pang tumawa!” “Sorry, pero kung ire-rewind natin ang lahat, ikaw ang humalik sa akin.” “Ang kapal talaga ng mukha mo! Kung hindi mo ako hinila hindi kita mahahalikan.” “See? Inamin mo rin na ikaw ang unang humalik sa akin.” “Hindi! Ibalik mo sa akin ang first kiss ko!” Naluluha na siya. “Sure, Sweetheart.” Kinulong ni Corbin ang pisngi sa dalawang kamay nito. Binigyan siya ng isang magaan na halik sa kanyang noo. “There. So okay na!” “Hindi! Hindi ang ikaw ang pingarap ko na maging first kiss ko! Si Aaron lang ang may karapatan na humalik sa akin!”Tuluyan ng naglandasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Hanggang sa umatungal na siya ng malakas. “Eliza. . .” “Huwag mo akong hawakan!” Piksi niya nang magtangka ito na hawakan siya sa balikat. Kinuha niya ang kanyang bag. Tinalikuran ito. Hindi pa rin matapos-tapos ang luha niya habang naglalakad ng mabagal. Malapit na siya sa gate nang humihingal na nakahabol sa kanya si Corbin. Hirap ito sa pagpasan ng bag. Marahil ay hindi na nito tinanggal ang mga bato doon at basta na lang humabol sa kanya. “Look, I’m sorry.” “Wala ng magagawa ang sorry mo! Sira na ang future ko!” Muli naman sumingaw ang pagkaaliw sa mukha ni Corbin pero pinilig nito ang ulo upang supilin iyon. “Kalimutan mo na lang na ako ang first kiss mo. Smack lang naman iyon e.” “Talagang iyan ang gagawin ko!” “Kung tutuusin maswerte ka.” Tumigil siya sa paglalakad. Hinarap niya ito na magkasalubong ang kilay. “Ano ang ibig mong sabihin.” “Maraming mga babae na nangangarap na matikman ang labi ko kaya masuwerte ka na nakalibre ka ng halik sa akin.” Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Namumula sa galit na hinubad niya ang kanya knapsack at pinaghahampas niya ito gamit iyon. Panay naman ang ilag nito pero dahil maliksi siyang kumilos ay natatamaan niya ito. Nakita niya na napangiwi ito. Napapaliyad habang hawak ang nasaktan na beywang. “Halika ka dito! Kakatayin talaga kita.” “Ang sadista mo naman!” “Oo, kaya lumapit ka sa akin!” “Eh kung hahampasin din kita nitong bag ko?” “Subukan mo!” Angil niya. Napaatras siya nang makita na seryoso ang mukha nito. Ipinikit na lang niya ang kanyang mata nang akmang ihamhampas na nga nito ang bag. Hinintay niya na masaktan siya ngunit walang nangyari kaya muli siyang napadilat. “Hindi ko kaya. Nalulusaw ang puso ko sa ka-cute-an mo!” anito na pinitik ang kanyang ilong sabay takbo. “Hoy! Huwag kang tatakbo!” “See you tommorrw, Eliza!” sabi ni Corbin na humarap at kumaway sa kanya. “May araw ka rin sa akin, Corbin!” Malakas na tili niya. Gigil na gigil.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD