Years later... "Friend! Dito! Dito!" Pinagtitinginan ng mga tao si Lily dahil sa kaniyang pagsisigaw. Itong babaeng 'to hindi na nagbago. Para namang hindi ko siya makikita kung hindi siya magsisigaw. Nakakahiya tuloy sa mga nakakarinig. Dinalian ko na ang paglalakad palapit sa kaniya para manahimik na siya. Parang ang tagal naman naming nagkita. Eh, dalawang linggo lang naman ako sa ibang bansa. "Ano ka ba, Lily!" saway ko sa kaniya nang makarating ako sa kaniyang harapan. May dala pa siyang kartolina na may nakasulat na pangalan ko. "Ano ka ba naman, hindi ka ba natutuwa na sinalubong kita dito?" "Ewan ko sa'yo. Tara na nga." Hinila ko na siya palapit sa hi-ace van. Kasalukuyan na ding inaayos ng mga bodyguard ang ilan sa mga bagaheng dala ko. Ang ibang mga produkto na sin

