NANG magsimulang mag-aral sina Amanda at Lily, kumuha na lang kami ng mga tindera sa puwesto namin sa Divisoria. Baka kasi hindi kayanin nina Lily at Amanda ang pressure kung sakali. Maayos ang kita sa Divisoria kaya hindi namin ito magawang bitawan ng tuluyan. Ang online business naman namin ang tinututukan namin ng husto dahil dito nagmumula ang malaking kita namin. Malaki ang naitatabi namin mula dito. Kada sabado at Linggo lang ang shipping namin sa tuwing wala kaming pasok. Nakakapagod pero masaya kami na hindi na kami salat sa pera. Malaki-laki na din ang aming ipon sa bangko. May panimula na ng business. NAGLAGAY ako ng meryenda sa table kung saan nag-aaral sina Lily at Amanda. Tinuturuan sila ni Kevin sa lesson nila na hindi nila maintindihan. Ako naman ay sumasagot sa

