"Nandiyan pa ba siya?" Nag-send ako ng mensahe sa isang crew. Sinabi niya sa text kanina na dumating daw si Rehan. Hinanap daw ulit ako. Nauna ko na din kasi siyang bilinan kanina na sabihan ako kapag dumating si Rehan. Sa shop lang ako dapat ngayon, kaso may biglaan akong ka-meeting. Naipit pa ako sa trapik. Pumikit ako. Hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan. Agad kong binuksan ang mensahe na natanggap ko. "Opo, Ma'am. Nandito pa po. Papunta ka na po ba, Ma'am?" Mabilis akong nagtipa. "Oo, kaso naipit ako sa trapik." "Sasabihin ko po sa kaniya," mabilis niyang reply. Kakatwa pero hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman. Hindi ko naman siya kaano-ano pero iba talaga iyong pakiramdam ko kapag kasama ko siya. We haven't met yesterday. I've been looking forward for this d

