Thirty-five Nalalapit ang kasal mas lalo akong kinakabahan. Labis kung umiwas si Rein. Umaakto kaming okay sa harap ng lahat, habang todo iwas ito kapag kami lang dalawa. Ilang ulit na ba akong umiyak sa harap nito? Ilang ulit na ba akong humihingi ng sorry rito? Pero para akong hangin sa harap nito. "Ituloy natin, please." Nag-angat ito nang tingin waring naantala sa ginagawa nitong pagbabasa sa paraan ng unti-unting pagsasalubong ng kanyang kilay. "I love you." Bulong ko rito saka lumipat ng pwesto at yumakap dito. Back hug, ito 'yong paborito kong paraan ng pagyakap dito. Hindi naman ito umiwas o nagpumiglas. Pero parang balewala lang talaga ako rito. Hindi na rin ako pumasok sa office. Alam na ng mga tauhan ko ang dapat nilang gawin. Parang pakiramdam ko, oras na umalis ako