Thirty-six "TAMA NA 'YAN!" awat ni L.A sa akin. Hindi ko na alam kung nakailang bote ako ng alak. Hindi ko alam kung paano isasalba ang sarili ko sa nararamdaman kong sakit sa dibdib ko. "Last na!" ani ko rito. Parang hindi naman ako tinatamaan sa mga iniinom kong halos naghalo-halo na. "No! That's enough, kailangan ka naming makausap." Seryosong awat na ng kapatid ni Rein sa akin. "Ano pang pag-uusapan natin? Sinabi ko na sa inyo na kasalanan ko kung bakit umatras si Rein. Nalaman n'yang anak ako ng lalaking una n'yang minahal. Sinubukan kong maghiganti sa kapatid ninyo." "Hindi kami galit, hindi mo naman pinahamak ang kapatid namin. Prinotektahan mo pa nga s'ya. Kailangan ka naming makausap dahil hawak na namin ang driver na ilang linggo rin nagtago. Nakuha namin s'ya sa isang pa