Pagkababa ni Tyreen ay halos hindi niya napansin si Manang Ingga na mababangga na pala niya. "Anong nangyayari sa 'yo, parang may humahabol," sita nitong tanong nang mapansing nahagos siyang maglakad. Nasapo ni Tyreen ang dibdib habang kinakalma ang sarili. "Pasensiya na manang hindi kita napansin," hingi niya ng paumanhin sa matanda. "Bakit kasi parang may humahabol sa 'yo?" usisa pa rin ni Manang Ingga. Kahit papaano ay nakalma naman na si Tyreen kaya hinarap ang matanda. Lumapit siya rito at bumulong. "Manang, nagligpit pa kasi ako sa makalat na kuwarto ni Senyorito Perry at alam niyo ba ang nakita ko?" pahula sa matanda. "Multo!" eksaheradang wika ni Manang Ingga. Natigilan si Tyreen at nakita sa mukha ni Manang Ingga ang pilyang ngiti kaya batid na nagbibiro ito. "Manang na