Sinundan ni Tyreen si Manang Ingga at nakita itong nasa paanan ng hagdan kausap si Diana. Napatigil siya at maya-maya ay naramdamang tila may nakatingin sa kanya kaya nang itaas ang kanyang tingin ay nakita si Senyorito Perry na nakadungaw pala at kitang matalim ang tingin nito. 'Naku, wala akong kasalanan diyan,' aniya sa isipan saka nagkibit-balikat na lamang. Nang muling balikat ng tingin ang kanilang senyorito ay nakitang may kausap na ito sa kanyang cell phone kaya kahit papaano ay nakahinga na nang maluwag si Tyreen. "Sisisihin ba naman ako," aniya sa sarili saka bumalik sa kusina. Naiinis siya sa boss dahil sa kalandian na nito sa mga babae, kahit sino yata basta willing pakant*t ay pagbibigyan niya. Maya-maya ay narinig na naman ang tinig ni Manang Ingga na tila naninita, awto