Hindi tuloy maiwasang lingunin ni Perry ang ina sa sinabing 'yon ng kanyang Tita Claudia at nakita niyang bahagya itong natigilan. 'Sino kaya ang kausap ni mama noon?' tanonf tuloy sa kanyang isipan. "Hindi ba, mare, tama ako? untag sa ina ng kanyang kumare. "Ha?" gulat na wika ng ina na tila nagising. "Sabi ko, hindi mo hahayaang matalo itong unico hijo mo?" ulit ni Tita. Claudia sa ina. Talagang nagtataka na si Perry sa kinikilos ng ina. "Oo naman, mare, nag-iisa kong anak 'yan si Perry kaua hindi ko hahayaan na matalo siya," tugon ng ina sa kaibigan nito. "True at sa isang Escodero pa?" hirit ni Claudia. "Ha?!" maang ng ina na tila blangko ang mukha. "Ayos ka lang ba, mare?" untag ni Claudia nang mapansing tila nawawala sa sarili si Francheska sa kanilang usapan. "Ha? Oo naman
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books