Chapter 7: Landi o Trabaho?

1569 Words
Agad na napakunot ng noo si Diana nang bigla siyang iwan ni Perry. "Hey, Perry," palatak nitong habol pero tuon ang tingin at isipan sa bago nilang kasambahay kaya hindi pinansin ang babae at deretso lang siya sa pagpasok sa kanilang bahay nang bigla ay mabunggo sa salamin. Akala naman kasi niya ay nakabukas 'yon, hindi tuloy niya alam kung natawa ba ang bagong katulong sa nangyari sa kanya. "Hey, Perry, ano ba kasing nangyayari sa 'yo at bigla kang nang-iiwan," bulalas ni Diana na sumunod pala sa kanya. Agad siya nitong inalalayan habang hawak-hawak naman niya ang noo na siyang nauntog sa salamin. Maya-maya ay napansin ni Diana ang babaeng makamasid sa kanila sa may counter sa kusina dahilan upang mapataas ang kilay nito. Mabilis binuksan ang sliding door. "Anong tinitingin-tingin mo diyan, hindi mo man lang nagawang pagbuksan ng pinto ang amo mo!" pasitang wika ni Diana kay Tyreen na kinataas naman ng kilay ng huli. 'Feeling amo,' anang sa isipan. "Naku po, ma'am, gabi na po at hindi ko na tungkuling pagbuksan siya ng pinto. Dapat kasi tulog na siya ngayon, hindi sana nauntog ang noo niya," mataray ding sagot ni Tyreen sa babae na lalo nitong kinainis. "Ay wow, nasagot ang katulong," parunggit nito. Napangisi lamant si Tyreen sa narinig na sinabi ng babae. "I'm just stating my opinion and my rights bilang katulong," palatak ni Tyreen na diniin pa ang salitang binanggit ng babae patungkol sa kanya. Napatawa si Diana sa kanyang sinabi. "Rights? Hello, katulong ka rito, gabi man o araw ay tungkulin mong pagsilbihan ang amo mo!" palatak ni Diana. "Enough, Diana, baka magising sina mama," singit ni Perry nang mapansing tumataaa ang boses ng dalawang babae. "Nagkakamali ka diyan, ma'am, katulong lang ako pero alam ko ang mga rights ko," ani Tyreen. Lalong nagngitngit ang mukha ni Diana sa kanyang sinabi. Mukhang hihirit na naman ito nang pigilan ito ni Perry. "I told you, Diana, enough!" pigil ni Perry rito. "Ito kasing mahaderang katulong na ito, nangatwiran pa imbes na tulungan ka," pagpupumilit ni Diana. "No, she's right, gabi na at hindi niya ako responsibilidad," tila tanggol ni Perry sa kanya. Umirap si Diana sa kanya. Hindi naman niya 'yon pinansin at inayos na ang ginamit na tasa upang makabalik na sa kanilang silid. "Mabuti pa siguro ay matulog ka na rin, Diana," anang pa ni Perry. "How about you, bakit nandito ka?" bulalas nitong baling sa kanya. Natigilan si Tyreen sa akmang paghakbang. "Ako ba ang tinatanong mo?" maang kay Perry. "Hindi ba obvious?" mataray na singit ni Diana. "Ganoon ba? Nagutom kasi ako kaya nagtungo ako rito, akala ko nga tulog na ang lahat," wika ni Tyreen. "Akala mo tulog ang lahat o talagang sinisundan mo si Perry?" hinala ni Diana sa kanya. "Ako? Bakit ko naman susundan si senyorito? Naku, Diana, nagutom lang ako kasi hindi ako kumain kagabi," bulalas ni Tyreen. "At bakit ka naman kasi hindi kumain? Tapos bigla ka na lang susulpot rito at kakain na tila ikaw ang boss," bulalas ni Diana. "Oh, huwag kang mag-alala dahil ayos lang naman kay senyora na kumain ako kahit anong gusto ko," palatak Tyreen. "Ayos lang kay mama? Bakit nandito ba siya kanina?" maang na usisa ni Perry nang marinig ang kanyang ina. "Yup, actually, nakita nila kayo," parunggit pa at sa gilid ng mga mata ay nakita si Diana na natitigilan habang nanlalaki ang mga mata. "Wala na ba kayong itatanong dahil matutulog na ako," paalam sa dalawa saka mabilis na iniwan ang mga itong natitigilan sa sinabing nakita sila ng senyora. *** Kinabukasan ay tanghali na nang magising si Tyreen, bukod sa off niya ay talagang napuyat siya kagabi dahil hinintay niyang pumasok sa silid si Diana ngunit mag-uumaga na pero walang Diana na pumasok roon. Hanggang sa makatulugan na lamang niya ang paghihintay. Napainat siya saka bumangon, wala na ang mga kasamahan sa kuwarto kaya napatingin siya sa orasan sa itaas ng pinto at napadilat ang mga mata nang makitang alas-otso na 'yon. Dali-dali siyang tumayo at nagtungo sa kanilang banyo upang mag-imis saka mabilis na lumabas nang magulat siya nang makitang nasa sala lahat sila. Nakaluhod si Manang Letecia sa harap ni Senyora dahilan upang agad na pumasok sa isipan ang nangyari kagabi. Natutop ni Tyreen ang dibdib dahil hindi niya inaasahan na maging totoo ang mga sinasabi nina Elsa at Manang Ingga. "Malinaw naman sa 'yo, Letecia kung bakit kita pinapaalis na, hindi ba? Lumabag ka sa o ng pamangkin mo sa alituntunin sa bahay na ito. Sa tingin mo ba ay papayag ako na sa tulad lamang ng apo mong si Diana ang mapangasawa nitong anak ko?" mataas na tinig ni Senyora Franceska. "Senyora, pasensiya na kayo dahil hindi ko alam na may nangyayaring ganyan sa pagitan nila. Nakikiusap ako, senyora, kailangan ko ng trabaho," sumamo ni Letecia. "Pasensiya na pero lumabag ka rules natin sa bahay. Heto, kunin mo bilang panimula mo at ayaw ko na ring makita pa ang pagmumukha ng apo mo sa pamamahay ko," matigas na wika ng senyora saka umalis. Naiwang natitigilan ang lahat maging si Senyor Patricio na naaawa sa sinapit ni Letecia lalo na at matagal din itong nanilbihan bilang kusinera sa kanilang pamilya. "Pasensiya ka na, Letecia pero sa bahay na ito, si Franceska ang nasusunod," ani Patricio saka tumayo na rin ngunit bago ito tuluyang umalis ay may binunot itong puting sobre mula sa bulsa at iniabot 'yon kay Letecia. "Idagdag mo ito sa binigay ni Franceska, pasensiya na, as much as I wanted you to stay pero tiyak na aawayin ako ni Franceska," anito. "Salamat, senyor, naiintindihan kita. Pasensiya na rin sa gulong dala ng aking apo, kung alam ko na ganyan ay noon ko pa sinuway," ani Manang Letecia. Wala na roon si Diana dahil kagabi pa ito umalis nang malamang nalaman ni Senyora Franceska ang namamagitan sa kanila ni Perry. Walang nagawa si Manang Letecia kundi ang lisanin ng bahay ng mga Caballero, batid ni Tyreen na mabigat sa loob nito na umalis sa trabaho pero dahil sa kalandian ng apo nitong si Diana ay nawalan ito ng kabuhayan. Hati ang damdamin ni Tyreen sa nangyaring 'yon, dapat lang kasi 'yon dahil una pa lamang ay malinaw na hindi pwedeng sumuway sa rules ng donya, sa kabilang banda naman ay naaawa siya sa matanda dahil pati ito ay nadamay sa kagagawan ng apo. Nakitang napabaling sa kinatatayuan niya si Manang Letecia bago ito tuluyang umalis. Tila may guilt sa kanyang pakiramdam dahil kung wala siya sa kusina kagabi ay hindi napansin ni Senyora Franceska sina Perry at Diana na naghaharutan. "O, anong tinatayo-tayo mo riyang bata ka, mag-imis ka na at umalis, hindi ba off mo ngayon at uuwi ka?" palatak ni Manang Ingga nang makita siya nito Nang mapansin nitong nalungkot siya sa nangyari kay Manang Letecia ay nagsalita ito. "Huwag ka masyadong malungkot, mainam na rin 'yon sa kanya, mabuti nga at biningyan pa siya ni Senyora ng panimula kasi iyong iba ay talagang pinapalayas na lamang basta-basta," saad ni Manang Ingga. "Isa pa, sinabihan na namin siya noon nang mapansin namin ang pagpapa-cute ni Diana kay Sensyorito Perry pero nagbingi-bingihan siya, akala siguro ay talagang papatulan ni senyorito ang apo niya," hirit pa nito. "So, true kaya huwag ka masyadong ma-attachment," singit ni Elsa na nakikinig pala sa usapan nila. "Isa ka pa, attachment pang nalalaman, bakit hindi mo na simulang isalang sa washing machine ang mga labahin para makarami ka," bulalas na sita ni Manang Ingga kay Elsa na nakikisawsaw sa usapan nila. Napakamot na lamang si Elsa saka nagtungo sa may likod bahay. "Ikaw naman, mag-imis ka na at makaalis ka na," balik ni Manang Ingga sa kanya nang maya-maya ay kapwa sila napalingon sa may hagdan dahil sa mabibigat na yabag mula roon. Si Senyorio Perry ang may gawa noon at hindi mapigilan ni Tyreen na mapataas ang kilay dahil tila cool na cool pa ang lalaki habang may taong nawalan ng trabaho dahil sa kanya. "O, manang, pakisabi na lamang kina mama at papa kung tatanungin nila kung nasaan ako ay sabihin niyong umalis ako," habilin nito. "Saan ang punto ninyo, senyorito? Hindi ba hindi pa kayo pwedeng magmaneho?" usisa ni Manang Ingga. Naka-ban kasi ito sa paggamit alinman sa sasakyan nila dahil naibangga niya ang bagong labas na Fortuner nila na kinagalit ng husto ng kanyang ama. "Well, hindi naman ako ang magmamaneho kundi si Tonyo," anang ni Perry. "Naku, ganoon ba? Paano 'yan, magpapahatid pa naman sana si Marga sa bayan kasi unang off niya at gusto niyang umuwi," bigay-alam ni Manang Ingga sa senyorito nila. "Ganoon ba?" malungkot na saad ni Perry sabay baling kay Marga at nakitang kahit wala itong kolerete sa katawan at mukha ay napakaganda pa rin ito. Walang bakas ng anumang pimples sa katawan, nagtataka siya dahil mukha namang hindi ito laki sa hirap dahil makinis at maputi ito. "Bakit hindi na lang siya sumabay sa 'min," maya-maya ay nanulas sa labi ni Perry. "Mainam pa nga, sige na, Marga, mag-imis ka na at sasabay ka kina Senyorito Perry Aangal sana si Tyreen pero hindi na niya nagawa at sinunod na lamang ang utoa ni Manang Ingga. Habang nag-iimis ay hindi maiwasang kabahan na mapapag-isa sila ni Perry sa loob ng sasakyan. Mabuti na lamang talaga at kasama nila si Tonyo, kahit papaano ay may ice-breaker o taga-break ng tensyon aa pagitan nila ni Perry.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD