Sebastian POV. Hindi ko mapigilang mapailing habang nakatayo pa rin sa gitna ng silid. Si Alexandrea ay nakatalikod sa akin, halatang iniiwasan akong tingnan. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya o sadyang naiilang lang matapos ang nangyari kanina. Pero sa totoo lang… kung hindi lang kumatok si Mama sa pinakawalang-timing na pagkakataon, malamang ay mas malala pa ang nangyari. Napahawak ako sa batok ko habang pilit pinipigilan ang ngiti. “Ang mama ko…” bulong ko, “talagang eksperto sa pagputol ng eksena.” Narinig ko ang mahinang paghinga ni Alexandrea. “Seb…” Mahina ang boses niya. Parang nahihiya pa ring lumingon. Ngumisi ako kahit hindi niya nakikita. “Relax.” Lumapit ako nang kaunti, pero hindi pa rin siya humarap. “Hindi ka pa rin ba makatingin sa akin?” Tahimik siya. Ka

