Alexandrea POV. Hindi ko mapigilang silipin ang oras sa aking cellphone. Alas-diyes na ng umaga. Muli akong napabuntong-hininga. Kanina pa ako naghihintay. At habang lumilipas ang bawat minuto, lalo lamang akong hindi mapakali. Napatingin ako sa pintuan ng opisina ko. Wala pa rin siya kagaya ng usapan namin dito ang diretso niya. Hindi pa rin dumarating si Sebastian. Napahawak ako sa noo ko at pilit na ibinalik ang atensyon sa mga dokumentong nakalatag sa mesa. Ngunit ilang segundo pa lang ang lumipas ay muli na namang napadako ang tingin ko sa cellphone. Wala pa ring mensahe, kahit tawag wala din at higit sa lahat walang balita. Napakagat ako sa labi. Ang usapan namin ay ngayong umaga niya ibibigay sa akin ang mga ebidensyang nakuha niya. Kumpiyansa pa nga siyang sinabi na isang

