Alexandrea POV. Tahimik ang buong opisina matapos sabihin ni Sebastian ang mga salitang iyon nagbigay ng kaba sa aking puso. “Depende kung paano siya titingin sa’yo.” Sabi pa niya. At sa paraan ng pagkakasabi niya noon, para bang hindi simpleng babala ang narinig ko. Kundi banta. Napakagat ako sa labi habang pilit iniiwas ang tingin sa kanya. Ngunit bago pa ako makapagsalita ay biglang kumatok ang sekretarya ko. “Please come in.” Pumasok ang secretary ko. “Chairwoman Alexandrea?” Agad akong tumingin sa kanya. “Yes?” “Dumating na po iyong lalaking may appointment sayo.” Biglang bumilis ang tib*k ng puso ko. Dumating na… umm… nasaan siya? Nasa visitor room po.” Hindi ko maintindihan kung bakit pero parang biglang bumigat ang pakiramdam ko… tila nawalan ng hangin dito sa loob n

